Y2H Broadcasting NetworkAng Y2H Broadcasting Network ay isang kumpanyang pagsasahimpapawid na pag-aari ng Yes2Health ni Dr. Remelito Y. Uy.[1] Ito ay nakabase sa Tagum. KasaysayanItinatag ang Y2H Broadcasting Network noong Pebrero 28, 2022 sa pamamagitan ng paglunsad ng XFM sa 100.7 FM na nakabase sa Tagum. Sa huling bahagi ng taong iyon, inilipat nito ang mga operasyon nito sa 97.9 FM na nakabase sa Lungsod ng Davao. Matapos ang matagumpay na paglulunsad nito, nagpalawig ang XFM sa iba't ibang mga lugar sa buong bansa sa pamamagitan ng kasunduan sa mga kumpanyang nagmamay-ari ng mga talapihitan.[2][3][4] Bukod sa pag-ere ng halong talakayan at musika, umeere din ang XFM ng awiting pang-ebanghelyo tuwing Biyernes 6:00 pm hanggang Sabado 6:00 pm sa ilalim ng The Gospel Hour. Kasapi ang may-ari nito ng Kilusang Reporma ng Seventh Day Adventist. Namamahala din ang Y2H ng Solid FM, kung saan umeere ito ng musika lamang. Mga HimpilanAng mga sumusunod na himpilang pinamamahalaan ng Y2H ay pagmamay-ari ng mga kani-kanilang kumpanyang pagsasahimpapawid. Sa ngayon, nasa ilalim ng pag-apruba ng kamara ang prankisa ng Y2H.[5] XFM
Solid FM
Mga Ibang Himpilan
Mga sanggunian
|