Táo (Homo sapiens) o modérnong táo ang pinakakaraniwan at pinakalaganap na espesye ng primado, at ang huling nabubuhay na espesye ng henus na Homo. Bahagi ng pamilyangHominidae, natatangi ang mga tao sa kanilang kawalan ng buhok kumpara sa kapamilya nila, paglalakad gamit ng dalawang paa, at mataas na antas ng katalinuhan. May mga malalaking utak ang mga tao, na nagbigay sa kanila ng kakayahang kognitibo na naging dahilan upang makatira sila sa iba't-ibang klase ng kapaligiran at makagawa ng mga kagamitan, lipunan, at sibilisasyon.
Sa malaking bahagi ng kanilang kasaysayan, nomadiko ang pamumuhay ng mga tao, umaasa sa mga pagkain sa kapaligiran o manghuli ng ibang mga hayop para kainin. Nagsimula lamang maging moderno ang mga tao noong bandang 160,000 hanggang 60,000 taong ang nakalilipas. Naganap ang Rebolusyong Neolitiko sa iba't-ibang lugar nang halos sabay, una sa rehiyon ng Kanlurang Asya 13,000 taon ang nakaraan. Sa mga lugar na ito, nagsimulang manatili ang mga tao upang magsaka imbes na mangalugad, na siyang nagbigay-daan upang maitatag ang mga pinakaunang sibilisasyon na minarkahan ng paglobo ng populasyon at pagbilis ng pagbabago sa teknolohiya. Simula noon, samu't saring mga sibilisasyon ang umangat at bumagsak, at nagsimula ring magbago ang pamumuhay ng mga tao.
Omniboro ang mga tao; ibig sabihin, kumakain sila ng halaman at karne. Simula noong panahong ng mga Homo erectus, ginagamit rin nila ang apoy upang lutuin ang mga pagkain nila, na nagpataas kalaunan sa kanilang nutrisyon at pagdami ng mga maaaring kainin. Maituturing na diurnal ang mga tao, natutulog nang tinatayang pito hanggang siyam na oras kada araw. May malaking epekto ang mga tao sa kalikasan. Mga superdepredador (superpredator) sila, at kaunti at bihira lamang silang tugisin ng ibang mga hayop. Ang kanilang mabilis na pagdami, industriyalisasyon, polusyon, at pagkonsumo ang dahilan ng kasalukuyang malawakang pagkaubos ng ibang mga nilalang. Sa nakalipas na siglo, narating ng mga tao ang mga pinakamasasamang kapaligiran para sa buhay, tulad ng Antartika, labas ng Daigdig at ang kailaliman ng mga karagatan, bagamat limitado lamang ang pananatili nila sa mga ito. Nakarating ang mga tao sa Buwan at nakapagpadala ng kanilang mga gawa sa iba't-ibang bahagi ng Sistemang Solar.
Bagamat ginagamit din ang salitang "tao" upang tukuyin ang lahat ng mga miyembro ng henus na Homo, madalas itong ginagamit sa Homo sapiens, ang natitirang espesye nito. Ginagamit ang salitang "modernong tao" upang ihiwalay ang mga ito sa mga sinaunang tao. Unang lumitaw ang mga anatomikal na modernong tao sa Aprika 300,000 taon ang nakaraan, mula sa Homo heidelbergensis o kaparehong espesye. Mula Aprika, unti-unti nilang nilahian at pinalitan ang ibang mga espesye ng tao sa mga lugar, tulad halimbawa ng mga Neandertal, na pinaniniwalaang naubos dahil sa kompetisyon, alitan, at paglalahi ng mga Homo sapiens sa kanilang populasyon. Naimpluwensyahan ng kapaligiran at mga hene ang biolohikal na pagkakaiba ng mga tao na makikita tulad halimbawa ng kulay ng balat, tangkad, at pisyolohiya, gayundin ang mga namamanang sakit at katangian. Bagamat ganito, isa ang mga tao sa may pinakamakaunting pagkakaiba sa henetika sa mga primado, kung saan nasa 99% na magkapareho ang alinmang dalawang tao.
May dalawang biolohikal na kasarian ang mga tao; sa pangkalahatan, mas malakas ang mga lalaking tao habang mas maraming taba naman ang mga babaeng tao. Nagsisimulang lumitaw ang mga sekondaryong katangiang pangkasarian pagsapit ng kabaguntauhan. Kayang manganak ng mga babaeng tao, simula sa pagsisimula ng kabaguntauhan hanggang sa maglayog bandang 50 taong gulang. Delikado ang panganganak, kung saan maraming komplikasyon ang maaaring kaharapin ng nanganganak na maaari ding humantong sa kamatayan, bagamat nakadepende ito sa serbisyong medikal. Madalas na magkaparehong tatay at nanay ang nagpapalaki sa sanggol, na walang muwang pagkapanganak sa kanila.
Nagmula ang salitang "tao" sa lumang Tagalog na salitang "tawo", na ginagamit pa rin sa ibang mga wika sa Pilipinas partikular na sa Kabisayaan. Pare-parehong nagmula ito sa Proto-Pilipinong salita na *tau, na nagmula naman sa Proto-Austronesyong salitang na *Cau.[1] Isa sa mga deribatibo nito, "pagkatao", ay ginagamit upang tukuyin ang kondisyon ng pagiging tao.[2] Bagamat malinaw ang pagkakaibang ito sa wikang Tagalog, itinuturing ang dalawang ito bilang magkasingkahulugan sa ibang mga wika. Halimbawa, sa wikang Ingles, itinuturing na magkapareho ang mga salitang human at person sa karaniwang diskurso. Gayunpaman, sa pilosopiya, ginagamit ang person sa kahulugan na "pagkatao".[3]
Samantala, nagmula naman ang pangalang binomial ng tao, Homo sapiens, mula sa Systema Naturae ni Carl Linnaeus noong 1735 na ang ibig sabihin ay "tao na may karunungan".[4] Ang henus nito, Homo, ay isang aral na hiram mula sa wikang Latin na homō, na tumutukoy sa tao mapaanuman ang kasarian.[5] Maaaring gamitin ang salitang "tao" upang tukuyin ang lahat ng mga miyembro ng naturang henus; sa ganitong pananaw, ginagamit ang salitang "modernong tao" upang ihiwalay ito sa ibang mga miyembro ng henus. Sa kasalukuyan, may mga pagtatalo sa akademiya kung dapat bang ituring ang ilang patay na klase ng tao, tulad ng mga Neandertal, bilang isang hiwalay na espesye o bilang isang sub-espesye sa ilalim ng Homo sapiens.[6]
Mga bakulaw ang mga tao; bahagi sila ng superpamilyang Homonoidea.[7] Unang humiwalay ang mga ninuno ng modernong tao mula sa mga gibon (pamilyang Hylobatidae), tapos orangutan (henus Pongo), tapos gorilya (henus Gorilla), at panghuli, sa mga chimpanzee at bonobo (henus Pan).[8][9] Ang panghuling hiwalayang ito ay naganap noong bandang 8–4 milyong taon ang nakaraan, sa huling bahagi ng kapanahunang Mioseno. Sa hiwalayang ito, nabuo ang kromosoma 2 mula sa pagsasama ng dalawang kromosoma, na naging dahilan kung bakit may 23 pares lamang ang mga modernong tao kumpara sa 24 sa ibang mga bakulaw.[10] Matapos nito, dumami ang mga hominin sa maraming espesye at di bababa sa dalawang henus. Gayunpaman, tanging mga tao, bahagi ng henus na Homo, lamang ang natira sa kasalukuyan.[11]
Nagmula ang Homo mula sa mga Australopithecus.[12][13] Bagamat kaunti lamang ang mga posil sa hiwalayang ito, makikita sa mga kalansay ng mga pinakamatatandang posil ng Homo ang mga pagkakapareho sa mga Australopithecus.[14][15] Tinatayang naganap ang hiwalayan ng dalawang henus 4.3–2.6 na milyong taon ang nakaraan batay sa orasang molekular, bagamat may mga ilang iskolar na nagtataya sa hiwalayan noong 1.87 milyong taon ang nakaraan kung tatanggalin ang ilan sa mga naunang posil na pinaniniwalaang namali ng lagay sa Homo.[16][17]
Ang pinakamatandang tala ng Homo ay ang LD-350-1 mula sa Etiopiya na tinatayang nasa 2.8 milyong taon ang tanda. Samantala, ang pinakamatatandang mga espesye na napangalanan ay ang Homo habilis at Homo rudolfensis na tinatayang nabuhay noong bandang 2.3 milyong taon ang nakaraan.[18] Unang lumitaw naman sa mga tala ang Homo erectus bandang 2 milyong taon ang nakaraan, ang unang Homo na nakalabas sa kontinente ng Aprika at kumalat sa Eurasya at ang una na may katawang kahawig ng sa modernong tao.[19] Lumitaw naman ang mga Homo sapiens noing 300,000 taon ang nakaraan mula sa Homo heidelbergensis o Homo rhodesiensis, mga espesye ng Homo erectus na nanatili sa Aprika.[20] Kagaya ng Homo erectus, lumabas ang mga Homo sapiens sa Aprika kalaunan, at unti-unting pinalitan ang populasyon ng mga sinaunang tao sa lugar.[21] Nagsimula maging moderno ang pag-uugali ng mga Homo sapiens bandang 160,000–70,000 taon ang nakaraan o mas maaga.[22] Umusbong ang katangian ito sa gitna ng nagaganap na likas na pagbabago ng klima noong kalagitnaan hanggang sa dulo ng kapanahunang Pleistoseno.[23]
Naganap ang migrasyon palabas ng Aprika sa dalawang bahagi: una noong 130,000–100,000 taon ang nakaraan pahilaga sa Eurasya, at pangalawa noong 70,000–50,000 taon ang nakaraan patimog papunta sa katimugang baybayin ng Asya.[24][25] Narating ng mga Homo sapiens ang mga kontinente ng Australia 65,000 taon ang nakaraan at ang Kaamerikahan noong 15,000 taon ang nakaraan, gayundin sa Madagascar noong bandang 300 KP at sa mga pinakamalalayong kapuluan sa Karagatang Pasipiko tulad ng Nueva Selanda noon lamang taong 1280.[26][27]
Hindi simple ang ebolusyon ng tao dahil sa pagtatalik nila sa ibang mga espesye ng tao. Ayon sa mga pananaliksik na isinagawa sa henoma ng tao, karaniwan ang pagtatalik sa pagitan ng mga malalayong kamag-anak ng mga modernong tao. Tinatayang aabot nang 6% ng DNA ng mga tao sa labas ng sub-Sahara sa kasalukuyan ang nagmula sa mga hene ng mga Neandertal at ibang mga espesye tulad ng mga Denisovan.[28][29]
Pinakamakikita sa mga pagbabagong naganap sa ebolusyon ng tao ay ang kawalan nito ng buhok sa katawan kumpara sa ibang mga bakulaw, gayundin ang paglalakad sa dalawang paa, mas malalaking utak, at ang pagkakapareho halos ng katangian ng magkaibang kasarian kumpara sa ibang mga bakulaw. Kasalukuyan may debate ukol sa kung ano ang relasyon ng mga pagbabagong ito sa isa't isa.[30]
Pagkalat ng mga tao sa bawat kontinente mula sa Lambak ng Great Rift sa silangang Aprika, kabilang ang pinaniniwalaang rutang dinaanan sa timog (kahel at dilaw).
Hanggang noon lamang 12,000 taon ang nakaraan, nangangalap at nangangaso ang mga tao.[31] Nagsimula ang Rebolusyong Neolitiko sa iba't-ibang panig ng mundo nang maimbento ang agrikultura. Sa Kanlurang Asya natagpuan ang mga pinakamatatandang ebidensiya ng agrikultura, habang may mga ebidensiya rin ng hiwalay na pagkaimbento nito sa ibang panig ng mundo, partikular na sa Tsina at Mesoamerika.[32][33][34] Agrikultura ang nakikitang dahilan ng mga iskolar sa pananatili kalaunan ng mga tao sa iisang lugar, na nagbigay-daan kalaunan din sa pagsuporta sa mga malalaking populasyon at pag-usbong ng mga pinakaunang sibilisasyon.[35]
Naganap ang isang rebolusyong urban noong ika-4 na milenyo BKP kasabay ng pagtatag sa mga lungsod-estado sa Sumer sa Mesopotamia.[36] Sa mga lungsod na ito natagpuan ang mga kuneiporme na tinatayang ginamit simula noong 3000 BKP.[37] Bukod sa Mesopotamia, umusbong din ang mga sibilisasyon ng sinaunang Ehipto at sa Lambak ng Indus.[38] Nakipagkalakalan din kalaunan ang mga ito sa isa't-isa at naimbento ang gulong, araro, at layag.[39] Samantala, sa Kaamerikahan, umusbong ang sibilisasyong Caral-Supe sa ngayo'y Peru noong 3000 BKP, ang pinakamatandang sibilisasyon sa kontinente.[40] Nadebelop rin sa panahong ito ang astronomiya at matematika, na ginamit ng mga taga-Ehipto upang magawa ang Dakilang Piramide ng Giza, na nakatayo pa rin hanggang ngayon.[41] May ebidensiya ng isang napakatinding tagtuyot na naganap 4,200 taon ang nakaraan na tumagal nang isang siglo at nagpabagsak sa maraming mga sibilisasyon sa mundo,[42] bagamat pinalitan din sila ng ibang mga sibilisasyon tulad ng Babilonya sa Mesopotamia at Shang sa Tsina.[43][44] Gayunpaman, bumagsak ang marami sa mga ito noong huling bahagi ng Panahong Bronse bandang 1200 BKP dahil sa mga kadahilanang hindi pa lubos na maipaliwanag ng mga siyentipiko.[45] Ang pangyayaring ito ang nagpasimula sa Panahon ng Bakal sa maraming panig ng mundo na nagpalit sa paggamit sa bronse bilang pangunahing sangkap sa mga kagamitan.[46]
Simula noong ika-5 siglo BKP, nagsimulang itala ng mga tao ang mga pangyayari sa paligid nila.[47] Sa panahong ito din nagsimulang yumabong ang ilan sa mga pinakamaimpluwensiyang sibilisasyon ng sinaunang panahon, ang sinaunang Gresya at Roma sa Europa.[48][49] Samantala, umusbong din ang mga malalaking sibilisasyon sa ibang kontinente, tulad halimbawa ng mga Maya na gumawa ng mga komplikadong kalendaryo,[50] at Aksum, na naging daanan ng mga kalakal mula sa Europa papuntang India at pabalik.[51] Naging batayan naman ng mga sumunod na imperyo sa rehiyon ang Imperyong Achaemenid sa Kanlurang Asya dahil sa kanilang sentralisadong pamamahala,[52] at narating naman ng Imperyong Gupta sa India at Han sa Tsina ang kinokonsiderang ginintuang panahon sa kani-kanilang lugar.[53][54]
Sa sumunod na siglo, nasira ang balanse ng kapangyarihan sa Europa na nagresulta sa Unang Digmaang Pandaigdig noong 1914, ang pinakamadugong digmaan noong panahong yon. Dahil sa tindi ng digmaan, sinubukang ayusin ng Kasunduan sa Versailles ang kapangyarihan sa mundo at itinatag ang Liga ng mga Bansa.[80] Gayunpaman, hindi nito napigilan ang unti-unting pag-angat ng awtoritarismo, partikular na sa Italya, Alemanya, at Hapon. Dahil dito at sa pagbagsak ng ekonomiya sa maraming bansa noong dekada 1930s, naganap ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, isang napakalawak na digmaan na pinaglabanan ng halos lahat ng mga bansa sa mundo noong panahong yon at nagresulta sa pinakamadugong digmaan sa tala ng kasaysayan. Matapos ng digmaan, binuo ang Mga Nagkakaisang Bansa bilang pamalit sa Liga ng mga Bansa. Samantala, bumagsak ang maraming imperyo dahil sa digmaan, na nagbigay-daan naman sa dekolonisasyon at ang pag-angat ng Estados Unidos at Unyong Sobyetiko bilang mga pinakamakapangyarihang bansa.[81]
Nakadepende sa layo mula sa isang anyong-tubig ang mga sinaunang tirahan ng mga tao, gayundin sa ibang mga likas na yaman kagaya halimbawa ng mga hayop para sa pangangaso at matabang lupa para sa pagsasaka.[88] Gayunpaman, kayang baguhin ng mga modernong tao ang kanilang kapaligiran sa pamamagitan ng teknolohiya, patubig, pagpaplano ng mga lungsod, paggawa sa mga gusali, deporestasyon, at desertipikasyon.[89] Palaging nasa peligro ang mga tirahan ng tao dahil sa mga likas na sakuna kagaya ng bagyo, lindol, o pagguho ng lupa.[90] Madalas na ginagawa ng mga tao ang mga tirahan para sa mga kadahilanan ng depensa, pagpapahinga, pagpapakita ng yaman, pagpapalawak ng makakain, estetika, at pagpapalago ng kaalaman.[91]
Sa pamamagitan ng mga kagamitan at pananamit, nagawa ng mga tao na mamuhay sa iba't-ibang klase ng kapaligiran.[92] Dahil dito, itinuturing ang mga tao bilang mga espesyeng kosmopolitano dahil nakikita sila sa saanmang bahagi ng mundo.[95] Gayunpaman, hindi pantay-pantay ang densidad ng mga tao sa bawat lugar;[92] karamihan sa kanila ay nakatira sa kontinente ng Asya.[96]
Kumakatawan sa 96% ng kabuuang biomasa ng mga mamalya sa mundo ang mga tao at ang kanilang domestikadong hayop, at tanging nasa 4% lamang ang ibang mga mamalya.[97]
Tinatayang nasa 1–15 milyong katao ang naninirahan sa mundo nang matuklasan ang agrikultura noong bandang 10000 BKP.[98] Nasa 50–60 milyong katao ang naninirahan sa pinagsamang Silangan at Kanlurang Imperyong Romano noong ikaapat na siglo KP.[99] Nangalahati ang populasyon ng mga tao dahil sa salot na bubonik na unang naitala noong ikaanim na siglo, at pumatay sa tinatayang 75–200 milyong katao sa Eurasya at Hilagang Aprika pa lamang.[100] Tinatayang umabot nang isang bilyon ang populasyon ng mga tao pagsapit ng 1800, at mabilis na umangat sa mga sumunod siglo: dalawang bilyon noong 1930, tatlong bilyon noong 1960, apat noong 1975, lima noong 1987, anim noong 1999,[101] pito noong 2011, at walo noong 2022.[102] Inabot ng dalawang milyong taon bago umabot ang dami ng tao sa isang bilyon, at tanging 207 taon para umabot sa pito.[103] Tinatayang nasa 60 milyong tonelada ang kabuuang biomasa ng lahat ng mga tao noong 2018, o sampung beses na mas marami kesa sa lahat ng mga hindi domestikadong mamalya.[97]
Noong 2018, tinatayang nasa 4.2 bilyong katao ang nakatira sa mga urbanisadong lugar, o 55% ng kabuuang populasyon, mula sa 751 milyon noong 1950. Nasa 82% ng populasyon ng Hilagang Amerika ang nakatira sa mga urbanisadong lugar, ang pinakamataas sa mga kontinente, na malapit na sinundan ng 81% ng Timog Amerika. Samantala, 90% ng rural na populasyon ng tao ay nakatira sa Asya at Aprika.[104]
Mga pangunahing bahagi ng katawan ng taong babae (kaliwa) at lalaki (kanan).
Maituturing na magkapareho halos ang mga pangunahing bahagi ng katawan ng tao kumpara sa ibang mga hayop. Ang ayos ng ngipin nila ay kapareho ng ibang mga miyembro ng orden na Catarrhini na kanilang kinabibilangan. Gayunpaman, mas maliit ang kanilang mga ngipin at mas maiksi ang kanilang ngala-ngala kumpara sa ibang mga primado. Sila lamang ang tanging primado na may kaliitan ang pangil. Siksik ang kanilang ngipin, kung saan agad na napupunan ang mga espasyo sa pagitan ng ngipin lalo na sa mga bata. Unti-unting nawawala sa mga tao ang kanilang bagang-bait, at may ilang tao na wala na'ng ganito pagkapanganak.[105]
Tulad ng mga chimpanzee, may buntot ang mga tao, bagamat hindi na ito malinaw na nakikita sa labas at wala na ring gamit.[106] Meron din silang apendiks, nababanat na balikat, daliring nakakahawak, at hinlalaking naigagalaw sa ibang daliri (opposable thumb).[107] Dahil sa paglalakad nang nakatayo, mala-balires ang kanilang dibdib kumpara sa ibang mga bakulaw na hugis imbudo.[108] Bukod sa laki ng utak at ang paglalakad gamit dalawang paa, nag-iiba ang mga tao mula sa chimpanzee sa kanilang pang-amoy, pandinig, at mga protina sa pangtunaw ng pagkain.[109] Bagamat maikukumpara ang kapal ng buhok ng mga tao sa ibang mga bakulaw, napakaliit lamang ang mga ito at halos di makita.[110] Tinatayang may dalawang milyong glandula ng pawis ang mga tao, na nakakalat sa malaking bahagi ng katawan di tulad ng ibang mga primado na kaunti lamang ang glandula at makikita sa paa at kamay.[111]
Tinatayang nasa 1.71 m (5.6 ft) ang karaniwang tangkad ng taong lalaki na nasa hustong edad, at 1.59 m (5.2 ft) naman sa mga taong babae.[112] Maaari magsimula sa kalagitnaan ng buhay ng tao ang pagpandak, bagamat nagiging normal ito pagsapit ng katandaan.[113] Tumatangkad ang mga tao sa paglipas ng panahon bilang resulta ng maayos na nutrisyon, kalusugan, at pamumuhay.[114] Tinatayang nasa 77 kg (170 lb) ang karaniwang bigat ng taong lalaki at 59 kg (130 lb) naman sa mga taong babae.[115] Nakadepende ang bigat at tangkad sa henetika at kapaligiran kung saan lumaki ang isang tao.[116]
Mas mabilis at mas tumpak maghagis ang mga tao kesa sa ibang mga hayop.[117] Isa rin sila sa mga pinakamagagaling na tumakbo nang malayuan kumpara sa ibang mga hayop, bagamat mabagal sila sa mga maiikling distansiya.[118] Dahil sa matinding pagpapawis at manipis na buhok sa katawan kaya nagagawang maiwasan ng mga tao na mapagod agad dahil sa init.[119] Kumpara sa ibang mga bakulaw, mas malalakas ang puso ng mga tao at mas malaki ang kanilang aorta.[120][121]
Ang karyotipo ng tao, na nagpapakita sa 22 autosoma at ang kromosomang pangkasarian para sa babae (XX) at lalaki (XY).
Tulad ng maraming buhay na nilalang, kabilang ang mga tao sa Eukaryota. Taglay ng bawat somatikong selula nila ang dalawang grupo ng tigda-23 kromosoma mula sa tatay at nanay. Samantala, taglay lang ng gameta ang isang grupo ng mga kromosoma na resulta ng pinagsamang pares ng magulang. Sa 23 kromosomang ito, 22 sa mga ito ang autosoma at isang pares ng kromosomang pangkasarian. Tulad ng maraming mamalya, ginagamit ng mga tao ang isang sistema ng pantukoy sa kalalabasang kasarian ng anak, kung saan babae kung XX ang pares ng kromosomang pangkasarian, o lalaki kung XY naman.[122] Nakakaapekto ang namananghene at kapaligiran ng tao sa magiging hitsurang pisikal nito, gayundin ang pisyolohiya, pag-iisip, at tiyansa na makakuha ng ilang partikular na sakit. Gayunpaman, hindi pa rin lubos na nauunawaan ng mga siyentipiko ang relasyon nito sa katangian ng indibiduwal na tao.[123][124]
Bagamat walang dalawang tao ang siyento porsiyentong magkatulad ng henetika, kahit maging mga kambal na nagmula sa iisang sigoto,[125] aabot pa rin nang 99.5% hanggang 99.9% na magkatulad sa henetika ang bawat dalawang tao.[126] Ibig sabihin, isa sila sa mga hayop na may pinakamagkatulad na henetika sa isa't-isa, lalo na sa mga kapwa bakulaw.[127] Dahil dito, ipinagpapalagay ng mga siyentipiko na may naganap na sobra-sobrang pagkonti ng mga tao noong huling bahagi ng Panahong Pleistoseno bandang 100,000 taon ang nakalipas.[128][129] Patuloy pa rin nakakaapekto ang likas na pagpili sa mga tao, partikular na ang pagpiling direksiyonal, na makikita sa kanilang henoma sa nakalipas na 15,000 taon.[130]
Unang nasekuwensiya ang henoma ng tao noong 2001,[131] at pagsapit ng 2020, daan-daang libong henoma ng tao na ang nasekuwensiya.[132] Noong 2012, kinumpara ng International HapMap Project ang henoma ng 1,184 na indibiduwal mula sa 11 populasyon at nakapagtukoy ng 1.6 milyong single-nucleotide polymorphism.[133] Pinakamaraming pribadong baryasyon sa henetika ang mga populasyon sa Aprika. Bagamat nakikita rin sa Aprika ang mga karaniwang baryasyon sa henetika na makikita rin sa ibang mga kontinente, meron ding mga pribadong baryasyon ang ibang mga kontinente lalo na sa Oseaniya at Kaamerikahan.[134] Ayon sa mga pagtatayang ginawa noong 2010, nasa 22,000 hene ang meron sa mga tao.[135] Sa pamamagitan ng pagkumpara sa mitokondriang DNA na tanging ipinapasa lang ng nanay, ipinagpapalagay ng mga henetista na tinatayang namuhay noong 90,000 hanggang 200,000 taon ang nakalipas ang pinakahuling karaniwang ninunong babae ng lahat ng mga buhay na tao ngayon, ang tinatawag na Mitochondrial Eve.[136]
Kumpara sa ibang mga espesye, delikado ang panganganak sa mga tao kung saan mas mataas ang tiyansa ng komplikasyon at kamatayan.[143] Mas sakto ang ulo ng sanggol sa bewang kumpara sa ibang mga primado, na nagpapasakit sa panganganak na maaaring umabot nang 24 oras. Ang sitwasyong ito, na tinatawag na problema sa panganganak, ay madalas na iniuugnay sa presyur ng ebolusyon dahil sa paglalakad nang nakatayo at paglaki ng utak, ngunit hindi pa ito lubos na naiintindihan ng mga siyentipiko magpahanggang ngayon.[144] Gumanda ang tiyansa ng maayos na panganganak pagsapit ng ika-20 siglo sa mga mauunlad na bansa sa tulong ng teknolohiya. Gayunpaman, nananatili pa ring delikado sa nanay ang panganganak, kung saan tinatayang 100 beses na mas mataas ang tiyansang mamatay ang babae sa mga papaunlad na bansa dahil dito.[145]
Parehong inaalagaan ng tatay at nanay ang sanggol pagkapanganak, kumpara sa ibang mga primado na nanay madalas ang nag-aalaga.[146]Walang muwang pagkapanganak, lumalaki ang mga tao sa mga susunod na taon hanggang sa ika-15 hanggang ika-17 taon kung saan mararating nila ang pagkahinog ng kanilang seksuwalidad.[147] Madalas na hinahati sa mga yugtong aabot nang tatlo hanggang labindalawa ang buhay ng isang tao. Tipikal na yugto ang mga sumusunod: sanggol, pagkabata, kabaguntauhan, hustong edad, at katandaan.[148] Nakadepende sa kultura ang haba ng bawat yugtong ito ngunit pinakakaraniwan ang yugto kung saan nagaganap ang mabilis na paglaki sa kasagsagan ng kabaguntauhan.[149]Natatapos ang regla sa mga babaeng tao pagsapit nila ng 50 taon banda.[150] Ayon sa hinuhang lola, pinagpapalagay ng mga siyentipiko na mas nagtatagumpay ang reproduksiyon ng mga babaeng tao dahil mas nakakatuon sila sa pangangalaga sa kanilang mga anak, at gayundin sa magiging mga apo nila, kesa manganak pa rin sila sa katandaan.[151]
Nakadepende sa dalawang salik ang haba ng buhay ng isang tao: henetika at pamumuhay.[152] Dahil sa samu't saring dahilan, mas mahaba ang buhay ng mga babae kesa sa mga lalaking tao.[153] Noong 2018, tinatayang nasa 74.9 na taon ang inaasahang buhay ng isang babaeng tao kumpara sa 70.4 na taon sa mga lalaki sa buong mundo.[154][155] Gayunpaman, nagkakaiba ang haba na ito depende sa lugar, madalas dahil sa gaano kaunlad ito. Halimbawa, sa Hong Kong, nasa 87.6 na taon ang inaasahang buhay ng mga babae doon at 81.8 taon naman sa mga lalaki. Sa kabilang banda, sa Republika ng Gitnang Aprika, 55.0 taon lamang ang inaasahang buhay ng mga babae at 50.6 naman sa mga lalaki.[156][157] Sa pangkalahatan, tumatanda nang tumatanda ang edad ng populasyon ng mga mauunlad na bansa, kung saan nasa 40 ang karaniwang edad ng mga tao roon. Sa mga papaunlad na bansa naman, nasa 15 hanggang 20 taon lamang ito. Sa bawat limang Europeo, isa sa kanila ay nasa lagpas 60 taon ang edad. Ikumpara ito sa mga Aprikano, kung saan tanging isa sa dalawampung tao roon ang nasa lagpas 60 taon ang edad.[158] Noong 2012, tinatayang nasa 316,600 tao ang may edad na lagpas 100 taon (mga sentenaryo) sa buong mundo.[159]
Mga omniboro ang mga tao, kayang kumain ng parehong karne at halaman.[160] Iba-iba ang diyeta ng mga tao, mula sa pagiging vegan hanggang sa pagiging karniboro. Sa ilang mga kaso, humahantong sa kakulangan sa nutrisyon ang mga restriksiyon sa mga kinakain; gayunpaman, sa pangkalahatan, balanse ang pagkain ng mga tao mula sa iba't-ibang mga kultura.[161] Nakakabit sa kultura ang pagkain ng mga tao at humantong kalaunan sa pag-usbong ng agham pampagkain.[162]
Bago ang pag-usbong ng agrikultura, pawang mga nangangalap at nangangaso ang mga tao para sa kanilang kakainin.[162] Madalas na kumokolekta sila ng mga nakapirmeng makakain tulad ng mga halaman, prutas, at mga lamang-dagat sa dalampasigan, at nangangaso ng mga hayop na dapat hulihin muna bago makain.[163] Ipinagpapalagay ng mga siyentipiko na natuklasan at nagamit na ng mga tao ang apoy sa pagluto sa kanilang kakainin simula pa noong panahon ng mga Homo erectus.[164] Nagsimula naman ang domestikasyon ng mga tao sa mga halaman bandang 11,700 taon ang nakalipas,[165] na kalauna'y humantong sa agrikultura at nagpasimula sa Rebolusyong Neolitiko.[166] Ang pagbabagong ito ay ipinagpapalagay na nagpabago din sa biolohiya ng tao; halimbawa, dahil sa gatas at keso kaya nagawang matunaw sa tiyan ng mga tao ang laktasa, bagamat hindi lahat ng populasyon ng tao ay kayang gawin ito magpahanggang ngayon.[167] Nakadepende sa lugar, panahon, at kultura ang mga pagkaing madalas kainin ng mga tao, gayundin sa kung paano ito hinahanda.[168]
Sa pangkalahatan, maaaring magtagal nang walong linggo ang tao nang walang kinakain, depende sa taba ng katawan.[169] Gayunpaman, aabot lamang ng tatlo hanggang apat na araw ang tao nang walang iniinom na tubig, pinakamahaba na ang isang linggo.[170] Noong 2020, tinatayang nasa siyam na milyong katao ang namamatay araw-araw sa gutom mismo o dahil dito.[171] Isa ang malnutrisyon sa mga pinakakaraniwang dahilan ng pagkasakit ng mga bata sa mundo.[172] Hindi pantay-pantay ang pagkakaroon ng pagkain sa bawat lugar, at problema sa ilang mga lugar ang labis na katabaan, na maaaring humantong sa mga komplikasyon sa katawan at pagtaas ng mortalidad sa mga mauunlad at ilang papaunlad na bansa. Tinatayang nasa lagpas isang bilyong tao ang labis na mataba sa buong mundo.[173] Sa Estados Unidos, 35% ng populasyon ang kinokonsiderang labis na mataba, kaya inilalarawan ito bilang isang epidemya.[174] Resulta ang katabaan ng pagkain ng sobra-sobrang kalori kesa sa nasusunog ng katawan, na tipikal sa mga diyeta na mas nangangailangan ng enerhiya.[173]
Nagkakaiba ang mga tao sa kanilang katangian kagaya ng tangkad, uri ng dugo, hugis ng mukha at korte ng bungo, kulay ng balat at buhok, at maging mga namamanangsakit.[175] Karaniwan na umaabot nang 1.4–1.9 m (4.6–6.2 ft) ang kanilang tangkad, na nakadepende sa kasarian, pinanggalingan, at henetika. Nakadepende rin ang timbang sa henetika gayundin sa pamumuhay at pagkain.[176]
May ebidensiya na nagpapatunay na nagbabago ang henetika ng mga tao depende sa kapaligiran nito. Halimbawa, dahil kasama sa karaniwang pagkain ng ilang grupo ng mga tao ang mga pagkaing gawa sa gatas ng baka, nagawang umayon ang kanilang katawan upang matunaw ang laktasa, na hindi kaya ng maraming tao.[177] Madalas ring may sickle cell anemia ang mga taong nakatira sa lugar kung saan talamak ang malaria.[178] Nadebelop ng mga populasyon ang mga pagbabagong kinakailangan sa paglipas ng panahon bunsod ng kanilang paninirahan sa isang partikular na lugar, kagaya halimbawa ng mas malalakas na baga para sa mga taong nakatira sa mga matataas na lugar at sa pagsisid sa ilalim ng dagat nang mas matagal tulad ng mga Badjao sa katimugang Pilipinas.[179][180]
Mga kulay ng buhok ng tao, mula kaliwang taas paorasang ikot: itim, kayumanggi, olandes, puti, at pula.Taglay ng pamilyang ito ng mga tao mula sa Timog Aprika ang ibat-ibang kulay ng mga balat ng tao.
Itim ang pinakakaraniwang kulay ng buhok ng mga tao, bagamat meron ding mga buhok na kulay kayumanggi, olandes, o pula.[181] Nakadepende sa dami ng melanin ang kulay ng buhok, na kalaunan ay kumokonti na nagiging dahilan ng pagputi nito. Samantala, maaaring maging maitim hanggang maputi ang kutis ng balat ng tao, at sa ilang mga kaso tulad ng mga taong anak-araw, sobrang puti. Tipikal na nakadepende sa dami ng nakukuhang UV sa balat ang magiging kulay nito, kaya sa mga rehiyon sa o malapit sa ekwador makikita ang karamihan sa mga taong maitim ang balat.[182] Pinaniniwalaang panangga laban sa sinag ng Araw ang pagkaitim ng balat ng mga tao sa mga rehiyong ito.[183] Samantala, sa mga rehiyong hindi masyadong naaarawan, puti ang balat ng mga tao rito upang mapanatili ang bitamina D na nagmumula sa sinag ng Araw.[184] Kayang umitim ang balat ng mga tao bilang tugon sa radyasyong UV kung kailanganin.[185]
Napakaliit lang ang pagkakaiba ng mga tao sa isa't-isa; karamihan sa mga pagkakaiba ay hanggang sa indibiduwal lamang.[186] Walang hangganan halos ang mga pagkakaibang ito,[187] at ayon sa mga datos sa henetika, mapaanuman ang gamiting basehan sa paggugrupo, ang tindi ng pagkakaiba ng dalawang tao mula sa parehong grupo ay walang pinagkaiba halos sa pagkakaiba ng dalawang tao mula sa magkaibang grupo.[188] Hindi magkakaugnay sa isa't-isa ang mga maiitim na tao mula sa Aprika, Australia, at Timog Asya.[182]
Ayon din sa mga pananaliksik sa henetika, pinakamayabong ang henetika ng mga tao mula sa Aprika, na mabilis na kumokonti habang palayo sa naturang kontinente,[189] marahil dahil sa resulta ng pagkonti ng mga populasyon sa mga lugar na pinuntahan nila.[190] Nahaluan ang mga taong lumabas sa kontinente ng mga hene ng ibang mga espesye ng tao, kagaya ng mga Neandertal at Denisovan, bagamat maaari ring nahaluan ang mga tao sa Aprika ng mga ito.[134][191] Ayon din sa mga kamakailang pag-aaral, taglay ng mga tao sa Aprika, lalo na sa Kanlurang Aprika, ang mga hene na wala sa mga taong nasa labas ng kontinente. Pinaniniwalaan na nagmula ito sa isang hindi pa tukoy na laos na espesye ng mga tao sa Aprika na unang humiwalay sa mga Homo sapiens bago pa ang mga Neandertal.[134]
Gonokorista ang mga tao; ibig sabihin, may dalawang kasarian sila.[192] Pinakamatindi ang pagkakaiba ng mga tao base sa kanilang kasarian; bagamat nasa 0.5% lamang na magkaiba ang dalawang tao ng parehong kasarian, aabot nang 2% ang pagkakaiba ng dalawang tao ng magkaibang kasarian.[193] Tipikal na mas mabigat ang mga lalaking tao nang 15% at 15 cm (5.9 in) na mas matangkad kesa sa mga babaeng tao. 40–50% na mas malakas ang itaas na bahagi ng katawan at 20–30% na mas malakas ang mababang bahagi ng mga lalaki kesa mga babae dahil sa dami ng mga hibla ng masel nila.[194] Samantala, karaniwang mas marami ang nakaimbak na taba sa katawan ang mga babae kesa sa mga lalaki, mas makikinis ang balat dahil sa pangangailangan ng bitamina D tuwing nagdadalang-tao at nagpapasuso.[195] Dahil sa pagkakaiba sa kromosoma, may ilang kondisyon na tanging nakakaapekto sa lalaki o sa babae.[196] Mas malalim nang isang oktaba ang boses ng mga lalaki kesa sa mga babae.[197] Mas mahaba ang buhay ng mga babae sa halos lahat ng panig ng mundo.[198] May mga intersex din na tao, na nagtataglay ng parehong panlalaki at pambabaeng ari, ngunit bihira lamang ito.[199]
Ang panlabas na hitsura ng utak ng tao. Markado ang mga pangunahing lobo ng serebrum: harapan (1), parietal (2), temporal (3), at oksipital (4). Tumutukoy ang ibang mga bilang sa mga mahahalagang pananda ng hangganan ng apat na lobo. Makikita naman ang serebelum sa ibabang kanang sulok.
May mga ilang katangian na bagamat hindi partikular na natatangi sa mga tao, ay nagtatangi sa mga tao mula sa ibang mga hayop.[201] Maaaring sila lamang ang mga hayop na kayang magsagawa ng alaalang episodiko at makapag-isip labas sa kasalukuyan (mental time travel).[202] Kahit ikumpara sa ibang mga nakikihalubilong hayop, napakarami ng mga ekspresyon sa mukha na kayang gawin ng mga tao.[203] Sila lamang ang natatanging hayop sa kasalukuyan na kayang umiyak dahil sa emosyon.[204] Isa sila sa mga hayop na kayang makilala ang kanilang sarili sa harap ng salamin.[205] Mas malalaki ang kanilang kortesang prepontal, ang rehiyon ng utak na may kontrol sa kognisyon, kumpara sa ibang mga primado, kaya naman itinuturing sila bilang isa sa, kundi ang pinakamatatalinong hayop.[206][207] Gayunpaman, kasalukuyang pinagdedebatehan kung sila nga lang ba talaga ang mga hayop na pasok sa kahulugan ng teorya ng isip.[208][209]
Kadalasan, diurnal ang mga tao; ibig sabihin, aktibo sila tuwing araw at natutulog tuwing gabi. Natutulog ang mga batang tao nang siyam hanggang sampung oras, at pito hanggang siyam na oras naman sa mga matatanda. Gayunpaman, hindi ito madalas nasusunod, na nagiging dahilan ng pagkapuyat na nakakaapekto sa katawan tulad ng pagkaantok, pagod, at agresyon.[210]
Nananaginip ang mga tao tuwing natutulog, kung saan nakakaranas sila ng mga imaheng nakikita at mga tunog na naririnig dahil sa pagiging aktibo ng mga pons sa yugtong REM ng pagtulog. Iba-iba ng mga panagbawatp, mula sa ilang segundo lamang hanggang tatlumpung minuto.[211] Nagkakaroon ng tatlo hanggang limang panaginip ang mga tao kada gabi, pinakamarami na ang pito. Bagamat malilimutan agad ang mga panaginip pagkagising, mas mataas ang tiyansang maaalala ito ng indibiduwal kung nagising siya sa kalagitnaan ng yugtong REM (naalimpungatan). Hindi nakokontrol ng mga nananaginip ang kanilang mga panaginip, maliban sa kaso ng mga namamalayang panaginip, kung saan alam ng indibiduwal na nananaginip siya at nakokontrol ang mga pangyayari nito.[212]
Sa pinakasimpleng paliwanag, kamalayan ang pagkamulat o kaalaman sa pag-iral ng sarili sa loob at labas.[213] Bagamat sentro sa napakaraming debate at pag-aaral sa pilosopiya at agham, nananatili pa rin itong enigmatiko at hindi lubos na maintindihan.[214] Tanging nagkakasundo lamang ang mga eksperto sa ideya ng kamalayan bilang tunay na umiiral.[215] Tipikal itong hinahanay kasama ng isip bilang bahagi nito o ang mismong esensiya nito. Binigyang kahulugan ito sa kasaysayan bilang isang anyo ng introspeksiyon, pansariling kaisipan, imahinasyon, at pagkukusa.[216] Ngayon, sinasama rin ang karanasan, pakiramdam, at pananaw sa mga ito. Maaari may mga antas ang kamalayan, o di kaya'y ibang anyo nito na nagkakaiba sa isa't isa.[217]Kognisyon naman ang tawag sa pagkalap at pag-unawa sa kaalaman sa pamamagitan ng sentido ng katawan.[218] Ang bawat tao ay may pansariling pananaw sa buhay bunsod ng kani-kanilang magkakaibang karanasan na resulta ng pagproseso ng utak ng tao sa mga impormasyong nagmula sa mga ito.[219]
Hindi pa lubos na naiintindihan ang motibasyon sa mga tao. Ayon sa modelo ng hirarkiya ng pangangailangan, ang pangangailangan ng isang tao ay pakomplikado nang pakomplikado habang natutugunan ang mga pangunahing pangangailangan nito tulad ng pagkain at pamamahay.[220] Ayon sa pilosopiya, motibasyon ang pagpokus o pag-alis sa mga layunin na nangangailangan ng direktang aksyon mula sa indibiduwal. Ilan sa mga salik nito ang insentibo at kagustuhan, gayundin sa pagpilit na magawa ang mga gustong gawin o mangyari.[221]
Nagkakaiba ang mga damdamin kung kaaya-aya ba ito, tulad ng ligaya, interes, o pagkakuntento, at kung hindi, tulad ng lungkot, pagkabalisa, galit, at dalamhati.[228] Sentro sa mga debate ang saklaw ng saya, na isang kondisyon kung saan nararanasan ng tao ang mga bagay na positibo para sa kanya,[229] bagamat may mga kamakailang pag-aaral na nagsasabing nakakamit din ito kahit na may mga malulungkot na pangyayari sa buhay kung titingnan ito ng indibiduwal bilang kailangan.[230]
Sa mga tao, seksuwalidad ang pinagsamang pakiramdam na biolohikal, erotiko, pisikal, emosyonal, panlipunan, at espirituwal. Wala itong tiyak na kahulugan. Sa biolohikal at pisikal na pananaw, tumutukoy ang seksuwalidad sa reproduksiyon ng tao, kabilang na ang siklo ng pagtugon nito. Bukod dito, nakakaapekto at naaapektuhan din ng seksuwalidad ang iba't-ibang aspeto ng buhay tulad ng etika, moralidad, at relihiyon.[231]Libog, kilala rin sa tawag na libido, ang mental na estado sa simula ng pagnanasang seksuwal. Ayon sa mga pag-aaral, mas gustong makipagtalik at magsalsal ng mga lalaking tao kesa sa mga babae.[232]
Walang tiyak na oryentasyong seksuwal ang lahat ng tao,[233] bagamat malaking bahagi ng populasyon nila ay maituturing na heteroseksuwal (nagkakagusto sa kabilang kasarian). Hindi natatangi sa mga tao ang homoseksuwalidad (nagkakagusto sa parehong kasarian) dahil nagaganap din ito sa ibang mga hayop. Gayunpaman, tanging tao at tupa lamang ang nagpapakita ng eksklusibong homoseksuwalidad (nagkakagusto lamang sa parehong kasarian). Suportado ng malaking ebidensiya sa pananaliksik ang biolohikal na dahilan ng oryentasyong seksuwal; ayon sa mga pag-aaral, walang pinagkaiba sa dami ng mga homoseksuwal ang mga lipunang walang problema sa homoseksuwalidad sa mga lipunang may problema rito.[234] Iminumungkahi ng mga pananaliksik sa neurosiyensiya at henetika na biolohikal din ang ugat ng iba pang salik ng seksuwalidad.[235]
Madalas na binibigyan ng kahulugan ang pag-ibig o pagmamahal bilang isang pakiramdam ng matinding atraksyon o emosyonal na kaugnayan. Maaari itong impersonal (pagmamahal sa isang bagay o konsepto) o interpersonal (pagmamahal sa kapwa tao).[236] Naglalabas ng dopamina, noradrenalina, serotonin, at iba pang kemikal na nauugnay sa kasiyahan ang utak kung inlab ang isang tao, na nagreresulta sa kilig, pagbilis ng tibok ng puso, at kawalan ng ganang kumain o matulog.[237]
Isa sa mga itinuturong dahilan ng dominasyon ng mga tao sa biospera ay ang natatanging nilang kakayahang intelektuwal.[238] Maliban sa mga kamag-anak nitong hominid na wala na, sila lamang ang mga hayop na kayang magturo ng mga pangkalahatang impormasyon,[239] gumawa at ilarawan ang mga komplikadong konsepto,[240] magsagawa ng pisikang katutubo upang makagawa ng mga kagamitan,[241] o magluto ng pagkain.[242] Mahalaga sa mga lipunan ng tao ang pagpasa ng impormasyon sa pamamagitan ng pagturo at pagtuto.[243] Bukod sa mga ito, natatangi ang mga tao sa kanilang abilidad na makapagsimula ng apoy,[244] pagbigkas ng mga ponema,[245] at matuto sa pamamagitan ng pakikinig.[246]
Bagamat maraming espesye ang kayang magsagawa ng komunikasyon, natatangi sa mga tao ang wika, na itinuturing bilang isa sa mga pangunahing katangian ng tao.[247] Di tulad ng mga limitadong sistema ng komunikasyon ng ibang mga hayop, malaya ang mga wika ng tao, kung saan maaaring magkaroon ng sandamakmak na kahulugan mula sa limitadong simbolong magagawa.[248] Isa ang mga tao sa apat na espesye ng hayop na tukoy na kayang umalis sa kasalukuyan upang maglarawan ng isang bagay na wala sa paligid ng usapan.[105]
Natatangi ang mga wika sa ibang mga anyo ng komunikasyon dahil ito ay malaya sa modalidad; magreresulta pa rin sa parehong kahulugan mapaanuman ang midyum ng pagsasagawa nito, tulad ng tunog para sa pagsasalita, paningin para sa mga sistema ng pagsulat at wikang nakasenyas, o nararamdaman tulad ng braille.[249] Mahalaga ang mga wika sa mga lipunan ng tao dahil nagbibigay ito ng pagkakakilanlan.[250] Tinatayang nasa anim na libong wika ang kasalukuyang meron sa mundo, kabilang na ang mga wikang nakasenyas, at libo-libong wika na hindi na ginagamit.[251]
Isa sa mga pangunahing katangian ng mga tao ang sining, at may mga ebidensiyang nakalap na nag-uugnay sa pagkamalikhain at wika.[254] Tinatayang nagsasagawa na ang mga Homo erectus ng sining 300,000 taon bago umusbong ang mga anatomikal na modernong tao, ayon sa mga nakalap na ebidensiya mula sa mga guhit sa mga kabibe sa Java.[255] Samantala, tinatayang ginawa 75,000 taon ang nakalipas ang mga pinakamatatandang ebidensiya ng sining na iniuugnay sa mga Homo sapiens, mga alahas at pagguhit sa mga dingding sa mga kuweba sa Timog Aprika.[256] Maraming mga hinuha ukol sa bakit natutong magsagawa ng mga tao ng sining, mula sa pagtulong sa paglutas ng mga problema, maimpluwensiyahan ang ibang mga tao, kooperasyon at kontribusyon ng bawat kasapi ng grupo, at maging paraan upang makahanap ng pares.[257] Maaaring naging isang kalamangan ang paggamit ng imahinasyon dahil sining gayundin ng lohika sa ebolusyon ng mga sinaunang tao.[254]
Ayon sa kasalukuyang ebidensiya, mas naunang magsagawa ang mga tao ng musika kesa sa mga guhit sa dingding ng kuweba, at isinasagawa ito ng lahat ng mga kultura ng mundo sa kasalukuyan. Maraming dyanra ng musika at etnikong musika ang nabuo sa paglipas ng panahon, kung saan nauugnay ang kakayahang ito ng mga tao sa mga mas komplikadong pag-uugali nila.[258] Nakita sa mga pag-aaral na tumutugon ang utak ng mga tao sa musika sa pamamagitan ng pagsabay sa ritmo at kumpas, kagaya ng paggalaw ng paa kasabay ng musika.[259] Nakikita rin sa lahat ng mga kultura ang sayaw, na maaaring nagmula bilang isang anyo ng komunikasyon ng mga sinaunang tao.[260]
Di tulad ng pagsasalita, hindi natural sa mga tao ang pagbabasa at pagsusulat, at kailangan muna nila itong matutunan bago magamit nang maayos.[261] Gayunpaman, nagsimula pa rin ang panitikan bago pa man umusbong ang mga pinakaunang wika; may mga ebidensiya ng 30,000 taon na mga guhit sa kuweba na nagpapakita ng mga eksena ng isang kuwento.[262] Isa sa mga pinakamatatandang nakasulat na panitikan ang Epiko ni Gilgamesh, na isinulat 4,000 taon ang nakalipas sa Babilonya.[263] Bukod sa pagpasa ng kaalaman, maaaring nagamit ang kathang-isip sa pamamagitan ng mga kuwento bilang anyo ng komunikasyon at paraan upang makakuha rin ng pares.[264] Maaari ring ginamit ang pagkukuwento bilang anyo ng kooperasyon at pagturo ng mga mahahalagang aralin.[262]
Naging posible ang pagluluto dahil sa pagkontrol sa apoy ng mga sinaunang tao, na pinaniniwalaang isang napakahalagang kalamangan sa ebolusyon ng kalauna'y magiging modernong tao dahil sa paglawak ng posibleng makakain.
Ginamit ng mga sinaunang tao ang mga kagamitang yari sa bato simula noong bandang 2.5 milyong taon ang nakaraan.[265] Isa ang abilidad ng mga tao na gumawa at gumamit ng mga kagamitan sa mga itinuturing na pangunahing katangian nila, at isang napakalaking kalamangan sa ebolusyon kumpara sa ibang mga hayop. Nagsimula maging komplikado at sopistikado ang mga kagamitan ng mga tao bandang 1.8 milyong taon ang nakaraan, at pagsapit ng bandang isang milyong taon ang nakaraan, nagawa nilang makontrol ang apoy.[266][267] Nagsimula namang magkahiwalay na naimbento ang gulong at mga sasakyang may gulong sa iba't-ibang panig ng mundo pagsapit ng ikaapat na milenyo BKP.[268] Naging posible dahil sa mga komplikadong kagamitang ito na makapag-ani ng mga pagkain ang mga tao at makapagpaamo ng mga hayop, na kalauna'y naging hudyat ng pagsisimula ng Rebolusyong Neolitiko.[269]
Walang tiyak na kahulugan ang relihiyon;[275] ayon sa isang kahulugan, isa itong sistema ng paniniwala kung saan nakaugnay ang mga paniniwalang supernatural, banal, o sagrado, ritwal, institusyon, gawi, at kaugalian. May mga relihiyon din na may sinusunod na kodigo ng moralidad. Kasalukuyang pinag-aaralan sa agham ang pinagmulan at ebolusyon ng mga pinakaunang relihiyon.[276] Tinatayang umusbong ito noong kalagitnaan ng panahong Paleolitiko ayon sa mga mapagkakatiwalaang ebidensiya.[277] Maaari itong umusbong bilang paraan ng kooperasyon at pagsasama ng mga sinaunang tao.[278]
Bagamat mahirap isukat ang antas ng pagkarelihiyoso,[281] naniniwala ang malaking bahagdan ng populasyon ng mga tao sa isang relihiyon na may magkakaibang antas ng pananalig.[282] Ayon sa mga datos noong 2015, pinakamarami sa kanila ay mga Kristiyano, na sinusundan ng mga Muslim, Hindu, at Budista.[283] Tinatayang nasa 1.2 bilyong katao, na kumakatawan sa halos 16% ng populasyon ng mga tao noong taóng yon, ang walang relihiyon o di naniniwala sa konsepto ng relihiyon.[284]
Samantala, pilosopiya ang pag-aaral na isinasagawa ng mga tao upang malaman at maintindihan ang mga pangunahing katotohanan sa mundo.[292] Isa sa mga sentrong katangian ng kasaysayan ng tao ang mga pilosopikal na katanungan ukol sa mga bagay-bagay.[293] Nahahati ito sa apat na pangunahing sangay: metapisika, epistemolohiya, lohika, at aksolohiya, na kinabibilangan ng etika at estetika.[294]
Lipunan ang tawag sa mga organisasyon at institusyon na umusbong mula sa mga interaksyon ng mga tao. Nagkakaiba ang mga anyo nito depende sa lugar at panahon.[295] Nagbabago rin ang laki ng mga grupo ng tao, mula sa mga pamilya hanggang sa mga bansa. Ipinagpapalagay na unang umusbong ang mga lipunang nangangaso at nangangalap.[296]
Tipikal na nagpapakita ang mga tao ng mga pagkakakilanlang seksuwal at gampaning pangkasarian na nagtatangi sa mga katangiang panlalaki at pambabae at naglalatag sa inaasahang ugali ng mga miyembro base sa kanilang biolohikal na kasarian.[297] Pinakakaraniwan sa mga lipunan ang dalawang kasarian, lalaki at babae,[298] bagamat meron ding mga lipunan na may ikatlong kasarian kagaya ng mga bakla sa Pilipinas,[299] at sa iba pang mga bihirang kaso, hanggang lima.[300] Sa ilang mga lipunan, ginagamit ang salitang Ingles na non-binary (lit. na'wala sa dalawa') o katumbas sa kanilang wika upang tukuyin ang mga pagkakakilanlang hindi ekslusibong lalaki o babae.[301]
Nakaugnay sa mga gampaning pangkasarian ang pagkakaiba sa inaasahang ugali, pananamit, karapatan, tungkulin, pribilehiyo, katayuan, at kapangyarihan, kung saan tipikal na mga lalaking tao ang may mas maraming karapatan at pribilehiyong natatamasa magpahanggang ngayon.[302] Sa wikang Ingles, may dalawang salitang ginagamit bilang katumbas ng kasarian: gender, na tumutukoy sa panlipunang pananaw sa kasarian, at sex, na tumutukoy naman sa biolohikal na kasarian ng tao.[303] Bilang isang panlipunang gawa, nagbabago at nakadepende sa lipunan ang magiging gampanin ng bawat kasarian, at maraming beses na kinukuwestiyon ang mga gampaning ito sa kasaysayan. Gayunpaman, napakakonti ang alam sa ngayon ukol sa mga gampaning pangkasarian sa mga pinakaunang lipunan ng tao, bagamat ipinagpapalagay na pawang pareho lamang ito sa kasalukuyan simula pa noong Paleolitiko, kumpara sa mga kamag-anak ng modernong tao na mga Neandertal, na halos walang pinagkaiba sa pag-uugali ang dalawang kasarian.[304]
Ginugrupo ng lahat ng mga lipunan ng tao ang mga uri ng relasyong panlipunan depende sa kanilang kaugnayan sa magulang, anak, at iba pang mga kadugo, gayundin sa relasyon bunsod ng kasal (manugang). Meron ding ikatlong uri ng relasyon para sa mga ninong at ninang gayundin sa mga ampon (piktibo). Sa pangkalahatan, itinuturing ang mga ito bilang mga kamag-anak, na mahalaga sa mga lipunan dahil ito ang nagdidikta ng katayuan at pagmamana.[305] Lahat ng mga lipunan ay nagbabawal sa insesto sa pagitan ng mga kamag-anak hanggang sa isang partikular na antas; gayunpaman, meron ding mga lipunan na may preperensiya sa pag-aasawa sa isang kamag-anak.[306]
Madalas na nagpapares ang mga tao sa isa't-isa, mula sa monogamya (isang lalaki para sa isang babae), polihinya (isang lalaki para sa maraming babae), poliandriya (isang babae para sa maraming lalaki), at poligamya (maraming lalaki para sa maraming babae).[307] Sa malaking bahagi ng kasaysayan, polihinya ang madalas na anyo ng pares ng mga tao hanggang sa sumapit ang Neolitiko, nang umusbong at unti-unting naging karaniwan ang monogamya bunsod ng pagpalit ng pamumuhay mula nomadiko tungo sa sedentaryo.[308] Ayon sa mga pananaliksik sa henetika, polihinya ang pinakakaraniwang anyo ng pares hanggang sa Pleistoseno.[309]
Isang panlipunang kategorya ang mga pangkat etniko ng mga tao, na siyang nagbibigay ng pagkakakilanlan sa mga taong may magkakaparehong katangian na nagtatangi sa kanila sa ibang mga grupo ng tao. Kabilang sa mga katangiang ito ang mga tradisyon, ninuno, wika, kasaysayan, lipunan, kultura, bansa, at relihiyon sa isang partikular na lugar.[310] Hiwalay na konsepto ang pangkat etniko sa lahi, na nakabase sa pisikal na katangian, bagamat pareho silang mga panlipunang gawa.[311] Mahirap igrupo ang mga tao base sa etnisidad dahil sa dibersidad na maaaring magkaroon sa mga ito, gayundin sa kawalang katiyakan sa kahulugan ng pangkat etniko mismo.[312] Gayunpaman, nananatili pa rin itong isang makapangyarihang kategorya na nagpausbong sa konsepto ng mga bansa pagsapit ng ika-19 na siglo.[313]
Habang lumalaki at kumakapal ang dami ng mga tao sa mga pamayanang nagsasaka, nagiging komplikado ang mga interaksyon ng mga tao sa isa't-isa. Humantong ito kalaunan sa pag-usbong ng pamamahala sa pamayanan at sa pagitan ng mga pamayanan.[314] Nagbabago ang kaugnayan ng mga tao sa politika lalo na kung mas makakalamang sila sa paglipat.[315] Gumagawa ng mga batas at patakaran ang mga pamahalaan para sa mga nasasakupan nito. Maraming anyo ng pamamahala sa kasaysayan, na nakasalalay sa antas ng kanilang kontrol sa mga nasasakupan at sa kapangyarihan.[316] Sa kasalukuyan, tinatayang nasa 47% ng mga tao ang naninirahan sa demokrasya, 37% sa awtoritarismo, at 17% naman sa magkahalong pamamahala.[317] Marami sa mga bansa sa mundo sa kasalukuyan ang ksapi ng isang alyansa o organisasyon, ang pinakamalaki ay ang Mga Nagkakaisang Bansa na may 193 miyembrong estado.[318]
Isa sa mga pangunahing katangian ng mga Homo sapiens ang kalakalan, ang boluntaryong palitan ng yaman sa isa't-isa. Ayon sa mga pananaliksik, nagsasagawa ang mga sinaunang tao ng pangmalayuang kalakalan na nagbigay-daan naman sa palitan ng mga yaman, pagkain, at ideya, na wala sa mga Neandertal.[319] Ipinagpapalagay na nagpapalitan ang mga sinaunang tao ng mga materyales para makagawa ng mga bagay, tulad halimbawa ng obsidiyano.[320] Gayunpaman, ang unang pandaigdigang kalakalan sa mundo ay ang palitan ng mga Romano at Tsino sa Daang Sutla.[321]
Ipinagpapalagay din na pawang mga bigayan ng regalo ang anyo ng ekonomiya ng mga sinaunang tao imbes na palitan.[322] Mga hayop at kabibe ang ilan sa mga pinakaunang anyo ng pera. Kalaunan, iniisyu na ito ng mga pamahalaan sa pamamagitan ng barya, perang papel, at sa modernong panahon, elektronikong pera.[323]Ekonomika ang tawag sa pag-aaral sa interaksyon ng mga tao ukol sa pamamahala sa kakulangan ng yaman.[324] Napakalaki ng agwat ng mga pinakamayayamang tao sa mga pinakamahihirap; katumbas ng kabuuang yaman ng walong pinakamayayamang tao sa kasalukuyan ang kabuuang yaman ng kalahati sa pinakamahihirap na tao sa mundo.[325]
Ang antas ng karahasan ng mga tao ay halos pareho lang sa ibang mga bakulaw, maliban lang sa preperensiya nila sa mga nasa hustong gulang kesa sa mga bata, na mas karaniwan sa ibang mga espesye ng bakulaw.[326] Ayon sa mga pananaliksik, nasa 2% ng mga Homo sapiens ang pinatay sa sinaunang panahon, na tumaas sa 12% noong Gitnang Kapanahunan, at bumaba pagsapit ng modernong panahon pabalik sa 2%.[327] Iba-iba ang antas ng karahasan sa mga lipunan ng tao, kung saan nasa 0.01% ang nagaganap na karahasan sa mga lipunang may mga batas na nagbabawal sa naturang gawain.[328]
Isang napakalaking paksa sa mga debate ang kagustuhan ng mga tao na magsagawa ng maramihang pagpatay kagaya ng mga digmaan. Ayon sa isang teorya, likas sa mga tao ang digmaan na ginagamit bilang pangbawas sa mga kakompetensiya. Ayon naman sa isang teorya, bago lamang umusbong ang digmaan na resulta ng pagpalit ng kondisyong panlipunan. Bagamat hindi pa tunay na napagkakasunduan, kasalukuyang itinuturo ng mga ebidensiya ang digmaan bilang naging karaniwan bandang 10,000 taon ang nakaraan, at sa ibang mga lugar, mas kamakailan pa.[329] Noong ika-20 siglo, naganap ang dalawang pandaigdigang digmaan na kumitil sa buhay ng tinatayang 167 hanggang 188 milyong katao.[330] Bagamat mahirap makakuha ng mga mapagkakatiwalaang impormasyon ukol sa dami ng mga namatay dahil sa mga digmaan bago ang modernong panahon, ipinagpapalagay na kumonti ang mga namatay dahil sa digmaan sa nakalipas na 80 taon kumpara sa nakaraang 600 taon.[331]
↑Ang populasyon at densidad ng populasyon ng mundo ayon sa pinakahuling tala noong 2022 mula sa pinagsamang estadistika ng CIA World Factbook at ng United Nations World Population Prospects.[85][86]
↑Mga lungsod na may lagpas 10 milyong katao noong 2018.[87]
Sanggunian
↑Blust, Robert; Trussel, Stephen; Smith, Alexander; Forkel, Robert. "*Cau person, human being". Austronesian Comparative Dictionary Online (sa wikang Ingles). Nakuha noong 24 Hunyo 2025.
↑Spamer EE (29 Enero 1999). "Know Thyself: Responsible Science and the Lectotype of Homo sapiens Linnaeus, 1758" [Alamin ang Sarili: Responsableng Agham at ang Lektotipo ng Homo sapiens Linnaeus, 1758]. Proceedings of the Academy of Natural Sciences (sa wikang Ingles). 149 (1): 109–114. JSTOR4065043.
↑"Homo". Dictionary.com (sa wikang Ingles). Random House. 23 Setyembre 2008. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Setyembre 2008.
↑Zhu Z, Dennell R, Huang W, Wu Y, Qiu S, Yang S, atbp. (Hulyo 2018). "Hominin occupation of the Chinese Loess Plateau since about 2.1 million years ago" [Okupasyon ng mga hominin sa Talampas ng Loess sa Tsina simula noong 2.1 milyong taon ang nakaraan]. Nature (sa wikang Ingles). 559 (7715): 608–612. Bibcode:2018Natur.559..608Z. doi:10.1038/s41586-018-0299-4. PMID29995848. S2CID49670311.
↑Scarre, Chris (2018). "The world transformed: from foragers and farmers to states and empires" [Ang nabagong mundo: mula nangangalap at nagsasaka hanggang sa estado at imperyo]. Sa Scarre, Chris (pat.). The Human Past: World Prehistory and the Development of Human Societies [Ang Nakaraan ng Tao: Prehistorya ng Mundo at ang Pag-usbong ng mga Lipunan ng Tao] (sa wikang Ingles) (ika-4 (na) edisyon). London: Thames & Hudson. pp. 174–197. ISBN978-0-500-29335-5.
↑Colledge S, Conolly J, Dobney K, Manning K, Shennan S (2013). Origins and Spread of Domestic Animals in Southwest Asia and Europe [Mga Pinagmulan at Pagkalat ng mga Domestikadong Hayop sa Timog-kanlurang Asya at Europa] (sa wikang Ingles). Left Coast. pp. 13–17. ISBN978-1-61132-324-5.
↑Scanes CG (Enero 2018). "The Neolithic Revolution, Animal Domestication, and Early Forms of Animal Agriculture" [Ang Rebolusyong Neolitiko, Domestikasyon ng Hayop, at mga Sinaunang Anyo ng Agrikulturang Panghayop]. Sa Scanes CG, Toukhsati SR (mga pat.). Animals and Human Society [Mga Hayop at Lipunan ng Tao] (sa wikang Ingles). Elsevier. pp. 103–131. doi:10.1016/B978-0-12-805247-1.00006-X. ISBN978-0-12-805247-1.
↑Garfinkle, Steven J. (2013). "Ancient Near Eastern City-States" [Mga Sinaunang Lungsod-estado sa Malapit na Silangan]. Sa Peter Fibiger Bang; Walter Scheidel (mga pat.). The Oxford Handbook of the State in the Ancient Near East and Mediterranean [Ang Handbook ng Oxford sa Estado ng Sinaunang Malapit na Silangan at Mediteraneo] (sa wikang Ingles). Oxford Academic. pp. 94–119. doi:10.1093/oxfordhb/9780195188318.013.0004. ISBN978-0-19-518831-8.
↑Woods C (28 Pebrero 2020). "The Emergence of Cuneiform Writing" [Ang Pag-usbong ng Pagsusulat sa Kuneiporme]. Sa Hasselbach-Andee R (pat.). A Companion to Ancient Near Eastern Languages [Gabay sa mga Sinaunang Wika ng Malapit na Silangan] (sa wikang Ingles) (ika-1 (na) edisyon). Wiley. pp. 27–46. doi:10.1002/9781119193814.ch2. ISBN978-1-119-19329-6. S2CID216180781.
↑Crawford H (2013). "Trade in the Sumerian world" [Kalakalan sa mundo ng Sumer]. The Sumerian World [Ang mundo ng Sumer] (sa wikang Ingles). Routledge. pp. 447–461. ISBN978-1-136-21911-5.
↑"Sacred City of Caral-Supe" [Sagradong Lungsod ng Caral-Supe]. UNESCO World Heritage Centre (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Mayo 2024. Nakuha noong 27 Mayo 2024.
↑Keightley DN (1999). "The Shang: China's first historical dynasty" [Ang Shang: unang makasaysayang dinastiya ng Tsina]. Sa Loewe M, Shaughnessy EL (mga pat.). The Cambridge History of Ancient China: From the Origins of Civilization to 221 BC [Ang Kasaysayan ng Cambridge sa Sinaunang Tsina: Mula sa mga Pinagmulan ng Sibilisasyon hanggang 221 BKP] (sa wikang Ingles). Cambridge University Press. pp. 232–291. ISBN978-0-521-47030-8.
↑Drake BL (1 Hunyo 2012). "The influence of climatic change on the Late Bronze Age Collapse and the Greek Dark Ages" [Ang impluwensiya ng pagbabago ng klima sa Pagbagsak sa huling bahagi ng Panahong Bronse at ang Madilim na Panahon ng Gresya]. Journal of Archaeological Science (sa wikang Ingles). 39 (6): 1862–1870. Bibcode:2012JArSc..39.1862D. doi:10.1016/j.jas.2012.01.029.
↑Hughes-Warrington M (2018). "Sense and non-sense in Ancient Greek histories" [Katuturan at kawalang katuturan sa mga kasaysayan ng Sinaunang Gresya]. History as Wonder: Beginning with Historiography [Kasaysayan bilang Wonder: Simula sa Historiograpiya] (sa wikang Ingles). Reyno Unido: Taylor & Francis. ISBN978-0-429-76315-1.
↑Milbrath S (Marso 2017). "The Role of Solar Observations in Developing the Preclassic Maya Calendar" [Ang Gampanin ng mga Obserbasyong Solar sa Pagdebelop sa Preklasikong Kalendaryonf Maya]. Latin American Antiquity (sa wikang Ingles). 28 (1): 88–104. doi:10.1017/laq.2016.4. ISSN1045-6635. S2CID164417025.
↑Benoist A, Charbonnier J, Gajda I (2016). "Investigating the eastern edge of the kingdom of Aksum: architecture and pottery from Wakarida" [Pag-imbestiga sa silangang sulok ng kaharian ng Aksum: arkitektura at pamamalayok mula sa Wakarida]. Proceedings of the Seminar for Arabian Studies (sa wikang Ingles). 46: 25–40. ISSN0308-8421. JSTOR45163415.
↑Farazmand A (1 Enero 1998). "Administration of the Persian Achaemenid world-state empire: implications for modern public administration" [Administrasyon ng pandaigdigang imperyong estado ng Achaemenid sa Persia: mga implikasyon para sa modernong pampublikong administrasyon]. International Journal of Public Administration (sa wikang Ingles). 21 (1): 25–86. doi:10.1080/01900699808525297. ISSN0190-0692.
↑Ingalls DH (1976). "Kālidāsa and the Attitudes of the Golden Age" [Kālidāsa at ang Kaugalian ng Ginintuang Panahon]. Journal of the American Oriental Society (sa wikang Ingles). 96 (1): 15–26. doi:10.2307/599886. ISSN0003-0279. JSTOR599886.
↑Xie J (2020). "Pillars of Heaven: The Symbolic Function of Column and Bracket Sets in the Han Dynasty" [Mga Haligi ng Langit: Ang Simbolikong Silbi ng Hanay at Bracket Set sa Dinastiyang Han]. Architectural History (sa wikang Ingles). 63: 1–36. doi:10.1017/arh.2020.1. ISSN0066-622X. S2CID229716130.
↑Renima A, Tiliouine H, Estes RJ (2016). "The Islamic Golden Age: A Story of the Triumph of the Islamic Civilization" [Ang Ginintuang Panahon ng Islam: Kuwento ng Tagumpay ng Sibilisasyong Islam]. Sa Tiliouine H, Estes RJ (mga pat.). The State of Social Progress of Islamic Societies [Ang Estado ng mga Progreso sa Lipunan ng mga Lipunang Islam]. International Handbooks of Quality-of-Life (sa wikang Ingles). Springer International Publishing. pp. 25–52. doi:10.1007/978-3-319-24774-8_2. ISBN978-3-319-24774-8.
↑Asbridge T (2012). "Introduction: The world of the crusades" [Panimula: Ang mundo ng mga krusada]. The Crusades: The War for the Holy Land [Mga Krusada: Ang Digmaan para sa Banal na Lupain] (sa wikang Ingles). Simon and Schuster. ISBN978-1-84983-770-5.
↑Adam King (2002). "Mississippian Period" [Panahong Mississippi]. New Georgia Encyclopedia. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Agosto 2009.
↑May T (2013). The Mongol Conquests in World History [Ang Pananakop ng mga Mongol sa Kasaysayan ng Mundo] (sa wikang Ingles). Reaktion Books. p. 7. ISBN978-1-86189-971-2.
↑Kafadar C (1 Enero 1994). "Ottomans and Europe" [Mga Ottoman at Europa]. Sa Brady T, Oberman T, Tracy JD (mga pat.). Handbook of European History 1400–1600: Late Middle Ages, Renaissance and Reformation [Handbook ng Kasaysayan ng Europa 1400–1600: Huling Gitnang Kapanahunan, Renasimiyento, at Repormasyon] (sa wikang Ingles). Brill. pp. 589–635. doi:10.1163/9789004391659_019. ISBN978-90-04-39165-9. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Mayo 2022.
↑Mosca MW (2010). "China's Last Empire: The Great Qing" [Ang Huling Imperyo ng Tsina: Ang Dakilang Qing]. Pacific Affairs (sa wikang Ingles). 83. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Marso 2022.
↑Dixon EJ (Enero 2001). "Human colonization of the Americas: timing, technology and process" [Kolonisasyon ng mga Tao sa Kaamerikahan: tayming, teknolohiya, at proseso]. Quaternary Science Reviews (sa wikang Ingles). 20 (1–3): 277–299. Bibcode:2001QSRv...20..277J. doi:10.1016/S0277-3791(00)00116-5.
↑Delisle RG (Setyembre 2014). "Can a revolution hide another one? Charles Darwin and the Scientific Revolution" [Maaari bang makapagtago ng rebolusyon sa isa pang rebolusyon? Si Charles Darwin at ang Rebolusyong Makaagham]. Endeavour (sa wikang Ingles). 38 (3–4): 157–158. doi:10.1016/j.endeavour.2014.10.001. PMID25457642.
↑Rector RK (2016). The Early River Valley Civilizations [Ang mga Unang Sibilisasyon sa Lambak-ilog] (sa wikang Ingles) (ika-1 (na) edisyon). New York: Rosen Publishing. p. 10. ISBN978-1-4994-6329-3. OCLC953735302.
↑"How People Modify the Environment" [Paano Binabago ng mga Tao ang Kapaligiran] (PDF) (sa wikang Ingles). Westerville City School District. Inarkibo(PDF) mula sa orihinal noong 25 Pebrero 2021.
↑Marks JM (2001). Human Biodiversity: Genes, Race, and History [Biodibersidad ng mga Tao: Hene, Lahi, at Kasaysayan] (sa wikang Ingles). Transaction Publishers. p. 16. ISBN978-0-202-36656-2.
↑Gea, J (2008). "The Evolution of the Human Species: A Long Journey for the Respiratory System" [Ang Ebolusyon ng Espesye ng Tao: Ang Mahabang Paglalakbay para sa Sistema ng Paghinga]. Archivos de Bronconeumología (sa wikang Ingles). 44 (5): 263–270. doi:10.1016/S1579-2129(08)60042-7. PMID18448018.
↑O'Neil D. "Humans" [Mga Tao]. Primates (sa wikang Ingles). Palomar College. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Enero 2013. Nakuha noong 6 Enero 2013.
↑Kirchweger G (2 Pebrero 2001). "The Biology of Skin Color: Black and White" [Ang Biolohiya ng Kulay ng Balát: Itim at Puti]. Evolution: Library (sa wikang Ingles). PBS. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Pebrero 2013.
↑Roser M; Appel C; Ritchie H (8 Oktubre 2013). "Human Height" [Tangkad ng Tao]. Our World in Data (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Enero 2021.
↑Bogin B, Rios L (Setyembre 2003). "Rapid morphological change in living humans: implications for modern human origins" [Mabilisang pagbabago sa morpolohiya ng mga nabubuhay na tao: mga implikasyon para sa pinagmulan ng modernong tao]. Comparative Biochemistry and Physiology. Part A, Molecular & Integrative Physiology (sa wikang Ingles). 136 (1): 71–84. doi:10.1016/S1095-6433(02)00294-5. PMID14527631.
↑Schlessingerman A (2003). "Mass Of An Adult" [Bigat ng Taong nasa Hustong Edad] (sa wikang Ingles). The Physics Factbook: An Encyclopedia of Scientific Essays. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Enero 2018.
↑Lombardo MP, Deaner RO (Marso 2018). "Born to Throw: The Ecological Causes that Shaped the Evolution of Throwing In Humans" [Ipinanganak para Maghagis: Ang mga Ekolohikal na Dahilan na Humulma sa Ebolusyon ng Paghahagis ng mga Tao]. The Quarterly Review of Biology (sa wikang Ingles). 93 (1): 1–16. doi:10.1086/696721. ISSN0033-5770. S2CID90757192.
↑Machin GA (Enero 1996). "Some causes of genotypic and phenotypic discordance in monozygotic twin pairs" [Ilang mga sanhi ng henotipo at penotipong pagkakaiba ng mga magkakambal na monosigoto]. American Journal of Medical Genetics (sa wikang Ingles). 61 (3): 216–228. doi:10.1002/(SICI)1096-8628(19960122)61:3<216::AID-AJMG5>3.0.CO;2-S. PMID8741866.
↑Jonsson H, Magnusdottir E, Eggertsson HP, Stefansson OA, Arnadottir GA, Eiriksson O, atbp. (Enero 2021). "Differences between germline genomes of monozygotic twins" [Pagkakaiba sa pagitan ng mga henomang germline ng mga monosigotong kambal]. Nature Genetics (sa wikang Ingles). 53 (1): 27–34. doi:10.1038/s41588-020-00755-1. PMID33414551. S2CID230986741.
↑Wade N (7 Marso 2007). "Still Evolving, Human Genes Tell New Story" [Patuloy na Nag-eebolb, Nagpapakita ng Bagong Kuwento ang mga Hene ng Tao]. The New York Times (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Enero 2012.
↑Khor GL (Disyembre 2003). "Update on the prevalence of malnutrition among children in Asia" [Update sa paglaganap ng malnutrisyon sa mga bata ng Asya]. Nepal Medical College Journal (sa wikang Ingles). 5 (2): 113–122. PMID15024783.
↑Rosenberg KR (1992). "The evolution of modern human childbirth" [Ang ebolusyon ng modernong panganganak ng tao]. American Journal of Physical Anthropology (sa wikang Ingles). 35 (S15): 89–124. Bibcode:1992AJPA...35S..89R. doi:10.1002/ajpa.1330350605. ISSN1096-8644.
↑Mintz S (1993). "Life stages" [Mga yugto ng buhay]. Encyclopedia of American Social History [Ensiklopedya ng Kasaysayang Panlipunan ng Amerika] (sa wikang Ingles). Bol. 3. pp. 7–33.
↑Peccei JS (2001). "Menopause: Adaptation or epiphenomenon?" [Menopause: Adaptasyon o Epipenomena?]. Evolutionary Anthropology (sa wikang Ingles). 10 (2): 43–57. doi:10.1002/evan.1013. S2CID1665503.
↑Marziali C (7 Disyembre 2010). "Reaching Toward the Fountain of Youth" [Pagkamit tungo sa Bukal ng Pagkabata]. USC Trojan Family Magazine (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 13 Disyembre 2010.
↑Conceição P, atbp. (2019). Human Development Report [Ulat sa Pagdebelop ng Tao] (PDF) (sa wikang Ingles). United Nations Development Programme. ISBN978-92-1-126439-5. Inarkibo(PDF) mula sa orihinal noong 20 Marso 2021.
↑"Human Development Report 2019" [Ulat sa Pagdebelop ng Tao 2019] (PDF) (sa wikang Ingles). United Nations Development Programme. Inarkibo mula sa orihinal(PDF) noong 22 Abril 2022.
↑"Chapter 1: Setting the Scene" [Kabanata 1: Pag-setup sa Eksena] (PDF) (sa wikang Ingles). UNFPA. 2012. Inarkibo mula sa orihinal(PDF) noong 12 Hunyo 2013.
↑Cordain L (2007). "Implications of Plio-pleistocene diets for modern humans" [Mga implikasyon ng mga diyetang Pliopleistoseno sa mga modernong tao]. Sa Ungar PS (pat.). Evolution of the human diet: the known, the unknown and the unknowable [Ebolusyon ng diyeta ng tao: ang alam, hindi alam, at hindi malalaman] (sa wikang Ingles). pp. 264–265.
↑"Position of the American Dietetic Association and Dietitians of Canada: Vegetarian diets" [Posisyon ng American Dietetic Association at Dietitians of Canada: mga diyetang vegetarian]. Journal of the American Dietetic Association (sa wikang Ingles). 103 (6): 748–765. Hunyo 2003. doi:10.1053/jada.2003.50142. PMID12778049.
↑Holden C, Mace R (Oktubre 1997). "Phylogenetic analysis of the evolution of lactose digestion in adults" [Pagsusuring pilohenetiko sa ebolusyon ng pagtunaw sa laktasa sa mga nasa hustong edad]. Human Biology (sa wikang Ingles). 69 (5): 605–628. PMID9299882.
↑Murray CJ, Lopez AD (Mayo 1997). "Global mortality, disability, and the contribution of risk factors: Global Burden of Disease Study" [Pandaigdigang mortalidad, kapansanan, at ang kontribusyon ng mga salik sa peligro: Pag-aaral sa Pandaigdigang Pasanin ng Sakit]. Lancet (sa wikang Ingles). 349 (9063): 1436–1442. doi:10.1016/S0140-6736(96)07495-8. PMID9164317. S2CID2569153.
↑Catenacci VA, Hill JO, Wyatt HR (Setyembre 2009). "The obesity epidemic" [Ang epidemya ng katabaan]. Clinics in Chest Medicine (sa wikang Ingles). 30 (3): 415–444, vii. doi:10.1016/j.ccm.2009.05.001. PMID19700042.
↑O'Neil D. "Adapting to Climate Extremes" [Pag-adapt sa Tindi ng Klima]. Human Biological Adaptability (sa wikang Ingles). Palomar College. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Enero 2013.
↑Beja-Pereira A, Luikart G, England PR, Bradley DG, Jann OC, Bertorelle G, atbp. (Disyembre 2003). "Gene-culture coevolution between cattle milk protein genes and human lactase genes" [Koebolusyon ng kultura at hene sa pagitan ng mga hene ng protina ng gatas ng baka at mga hene ng laktasa ng mga tao]. Nature Genetics (sa wikang Ingles). 35 (4): 311–313. doi:10.1038/ng1263. PMID14634648. S2CID20415396.
↑Rogers AR, Iltis D, Wooding S (2004). "Genetic variation at the MC1R locus and the time since loss of human body hair" [Pagkakaiba sa henetika sa MC1R locus at ang panahon simula sa pagkalagas ng buhok ng tao]. Current Anthropology (sa wikang Ingles). 45 (1): 105–08. doi:10.1086/381006. S2CID224795768.
↑ 182.0182.1Nina J (2004). "The evolution of human skin and skin color" [Ang ebolusyon ng balat ng tao at kutis]. Annual Review of Anthropology (sa wikang Ingles). 33: 585–623. doi:10.1146/annurev.anthro.33.070203.143955.
↑Keita SO, Kittles RA, Royal CD, Bonney GE, Furbert-Harris P, Dunston GM, Rotimi CN (Nobyembre 2004). "Conceptualizing human variation" [Paglalarawan sa pagkakaiba ng mga tao]. Nature Genetics (sa wikang Ingles). 36 (11 Suppl): S17-20. doi:10.1038/ng1455. PMID15507998.
↑"Genetic – Understanding Human Genetic Variation" [Henetika – Pag-unawa sa Pagkakaiba sa Henetika ng Tao]. Human Genetic Variation (sa wikang Ingles). National Institute of Health (NIH). Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Agosto 2013.
↑Fusco G, Minelli A (10 Oktubre 2019). The Biology of Reproduction [Ang Biolohiya ng Reproduksiyon] (sa wikang Ingles). Cambridge University Press. p. 304. ISBN978-1-108-49985-9. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Oktubre 2022. Nakuha noong 30 Hulyo 2022.
↑Gustafsson A, Lindenfors P (Oktubre 2004). "Human size evolution: no evolutionary allometric relationship between male and female stature" [Ebolusyon ng laki ng tao: walang relasyong alometriko sa pagitan ng tindig ng lalaki at babae]. Journal of Human Evolution (sa wikang Ingles). 47 (4): 253–266. Bibcode:2004JHumE..47..253G. doi:10.1016/j.jhevol.2004.07.004. PMID15454336.
↑Miller AE, MacDougall JD, Tarnopolsky MA, Sale DG (1993). "Gender differences in strength and muscle fiber characteristics" [Pagkakaiba ng kasarian sa lakas at katangian ng mga hibla ng masel]. European Journal of Applied Physiology and Occupational Physiology (sa wikang Ingles). 66 (3): 254–262. doi:10.1007/BF00235103. hdl:11375/22586. PMID8477683. S2CID206772211.
↑Bredella MA (2017). "Sex Differences in Body Composition" [Pagkakaiba ng Kasarian sa Komposisyon ng Katawan]. Sa Mauvais-Jarvis F (pat.). Sex and Gender Factors Affecting Metabolic Homeostasis, Diabetes and Obesity [Mga Salik sa Kasarian na Nakakaapekto sa Metabolikong Homeostatis, Diyabetes, at Katabaan]. Advances in Experimental Medicine and Biology (sa wikang Ingles). Bol. 1043. Cham: Springer International Publishing. pp. 9–27. doi:10.1007/978-3-319-70178-3_2. ISBN978-3-319-70177-6. PMID29224088.
↑Easter C. "Sex Linked" [Nauugnay sa Kasarian]. National Human Genome Research Institute (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Abril 2022.
↑Puts DA, Gaulin SJ, Verdolini K (Hulyo 2006). "Dominance and the evolution of sexual dimorphism in human voice pitch" [Dominasyon at ebolusyon ng dimorpismong pangkasarian sa tinis ng boses ng tao]. Evolution and Human Behavior (sa wikang Ingles). 27 (4): 283–296. Bibcode:2006EHumB..27..283P. doi:10.1016/j.evolhumbehav.2005.11.003. S2CID32562654.
↑"3-D Brain Anatomy" [Anatomiya ng Utak sa 3-D]. The Secret Life of the Brain (sa wikang Ingles). Public Broadcasting Service. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Setyembre 2017.
↑Hobson JA (Nobyembre 2009). "REM sleep and dreaming: towards a theory of protoconsciousness" [Pagtulog na REM at panaginip: tungo sa teorya ng protokamalayan]. Nature Reviews. Neuroscience (sa wikang Ingles). 10 (11): 803–813. doi:10.1038/nrn2716. PMID19794431. S2CID205505278.
↑Lite J (29 Hulyo 2010). "How Can You Control Your Dreams?" [Paano Mo Makokontrol ang mga Panaginip Mo?]. Scientific America (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Pebrero 2015.
↑"Consciousness" [Kamalayan]. Merriam-Webster (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Setyembre 2019.
↑van Gulick R (2004). "Consciousness" [Kamalayan]. Stanford Encyclopedia of Philosophy (sa wikang Ingles). Metaphysics Research Lab, Stanford University. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Oktubre 2019.
↑Carruthers P (15 Agosto 2011). "Higher-Order Theories of Consciousness" [Mga Pangmataas na Antas na Teorya ng Kamalayan]. Stanford Encyclopedia of Philosophy (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 13 Abril 2021.
↑"Cognition" [Kognisyon]. Lexico (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Hulyo 2016.
↑Glattfelder JB (2019). "The Consciousness of Reality" [Ang Kamalayan ng Realidad]. Sa Glattfelder JB (pat.). Information—Consciousness—Reality [Impormasyon—Kamalayan—Realidad]. The Frontiers Collection (sa wikang Ingles). Cham: Springer International Publishing. pp. 515–595. doi:10.1007/978-3-030-03633-1_14. ISBN978-3-030-03633-1. S2CID189379814.
↑McLeod S (20 Marso 2020). "Maslow's Hierarchy of Needs" [Hirarkiya ng Pangangailangan ni Maslow]. Simply Psychology (sa wikang Ingles). Simply Scholar Limited. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Nobyembre 2018.
↑Heckhausen J, Heckhausen H (28 Marso 2018). "Introduction and Overview" [Panimula at Buod]. Motivation and Action [Motibasyon at Aksyon] (sa wikang Ingles). Introduction and Overview: Springer, Cham. p. 1. doi:10.1007/978-3-319-65094-4_1. ISBN978-3-319-65093-7.
↑Damasio AR (Mayo 1998). "Emotion in the perspective of an integrated nervous system" [Emosyon sa pananaw ng isang integradong sistemang nerbiyos]. Brain Research. Brain Research Reviews (sa wikang Ingles). 26 (2–3): 83–86. doi:10.1016/s0165-0173(97)00064-7. PMID9651488. S2CID8504450.
↑Averill JR (Abril 1999). "Individual differences in emotional creativity: structure and correlates" [Indibiduwal na pagkakaiba sa madamdaming pagkamalikhain: estraktura at korelasyon]. Journal of Personality (sa wikang Ingles). 67 (2): 331–371. doi:10.1111/1467-6494.00058. PMID10202807.
↑Van Gelder JL (Nobyembre 2016). "Emotions in Criminal Decision Making" [Mga Damdamin sa Pagsasagawa ng Kriminal na Desisyon]. Sa Wright R (pat.). Oxford Bibliographies in Criminology [Bibliograpiya ng Oxford sa Kriminolohiya] (sa wikang Ingles). Oxford University Press. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Enero 2021.
↑Haybron DM (Agosto 2013). "The proper pursuit of happiness" [Ang tamang paghabol sa saya]. Res Philosophica (sa wikang Ingles). 90 (3): 387–411. doi:10.11612/resphil.2013.90.3.5.
↑Ord T (2020). The Precipice: Existential Risk and the Future of Humanity [Ang Katarikan: Panganib sa Pag-iral at ang Hinaharap ng Sangkatauhan] (sa wikang Ingles). New York: Hachette Books. ISBN978-0-316-48489-3.
↑Lemonick MD (3 Hunyo 2015). "Chimps Can't Cook, But Maybe They'd Like To" [Di Kayang Magluto ng mga Matsing, Pero Baka Gusto Nila]. National Geographic News (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 31 Enero 2021.
↑Nicholls H (29 Hunyo 2015). "Babblers speak to the origin of language" [Mula sa mga utal ng bibig patungo sa pinagmulan ng wika]. The Guardian (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 31 Enero 2021.
↑Scott-Phillips TC, Blythe RA (18 Setyembre 2013). "Why is language unique to humans?" [Bakit natatangi lang sa mga tao ang wika?] (sa wikang Ingles). Royal Society. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Enero 2021.
↑Fitch WT (4 Disyembre 2010). "Language evolution: How to hear words long silenced" [Ebolusyon ng wika: Paano maririnig ang mga salitang matagal na'ng di nasabi]. New Scientist (sa wikang Ingles). 208 (2789): ii–iii. Bibcode:2010NewSc.208D...2F. doi:10.1016/S0262-4079(10)62961-2. ISSN0262-4079.
↑Lian A (2016). "The Modality-Independent Capacity of Language: A Milestone of Evolution" [Ang Kapasidad ng Kawalang Modalidad ng Wika: Milestone ng Ebolusyon]. Sa Lian A (pat.). Language Evolution and Developmental Impairments [Ebolusyon ng Wika at Kakulangan sa Paglaki] (sa wikang Ingles). London: Palgrave Macmillan UK. pp. 229–255. doi:10.1057/978-1-137-58746-6_7. ISBN978-1-137-58746-6.
↑Bird G (7 Hunyo 2019). "Rethinking the role of the arts in politics: lessons from the Négritude movement" [Pagninilay muli sa gampanin ng mga sining sa politika: mga aral mula sa kilusang Négritude]. International Journal of Cultural Policy (sa wikang Ingles). 25 (4): 458–470. doi:10.1080/10286632.2017.1311328. ISSN1028-6632. S2CID151443044.
↑Joordens JC, d'Errico F, Wesselingh FP, Munro S, de Vos J, Wallinga J, atbp. (Pebrero 2015). "Homo erectus at Trinil on Java used shells for tool production and engraving" [Gumamit ang mga Homo erectus sa Trinil sa Java ng mga kabine sa paggawa ng mga kagamitan at pagguhit]. Nature (sa wikang Ingles). 518 (7538): 228–231. Bibcode:2015Natur.518..228J. doi:10.1038/nature13962. PMID25470048. S2CID4461751.
↑Dissanayake E (2008). "The Arts after Darwin: Does Art have an Origin and Adaptive Function?" [Ang mga sining pagkatapos ni Darwin: May Pinagmulan at Adaptibong Kagamitan ang Sining?]. Sa Zijlmans K, van Damme W (mga pat.). World Art Studies: Exploring Concepts and Approaches [Aralin sa Sining ng Mundo: Paggalugad sa mga Konsepto at Pagtingin] (sa wikang Ingles). Amsterdam: Valiz. pp. 241–263. ISBN9789078088226 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
↑Morley I (2014). "A multi-disciplinary approach to the origins of music: perspectives from anthropology, archaeology, cognition and behaviour" [Isang multidisiplinaryong pagtingin sa pinagmulan ng musika: mga pananaw mula sa antropolohiya, arkeolohiya, kognisyon, at pag-uugali]. Journal of Anthropological Sciences (sa wikang Ingles). 92 (92): 147–177. doi:10.4436/JASS.92008 (di-aktibo 1 Hulyo 2025). PMID25020016.{{cite journal}}: CS1 maint: DOI inactive as of 2025 (link)
↑Chow D (22 Marso 2010). "Why Do Humans Dance?" [Bakit Sumasayaw ang mga Tao?]. LiveScience (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Pebrero 2021.
↑Prior KS (21 Hunyo 2013). "How Reading Makes Us More Human" [Paano Ginagawa Tayong Mas Tao ng Pagbabasa]. The Atlantic (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Enero 2021.
↑Clark JD; de Heinzelin J; Schick KD; Hart WK; White TD; WoldeGabriel G; Walter RC; Suwa G; Asfaw B; Vrba E; H.-Selassie Y (Hunyo 1994). "African Homo erectus: old radiometric ages and young Oldowan assemblages in the Middle Awash Valley, Ethiopia" [Homo erectus ng Aprika: mga lumang pagpepetsang radiometriko at ang mga batang asemblaheng Oldowan sa Gitnang Lambak ng Awash, Etiopiya]. Science (sa wikang Ingles). 264 (5167): 1907–1910. Bibcode:1994Sci...264.1907C. doi:10.1126/science.8009220. PMID8009220.
↑Choi CQ (11 Nobyembre 2009). "Human Evolution: The Origin of Tool Use" [Ebolusyon ng Tao: Ang Pinagmulan ng Paggamit sa Kagamitan]. LiveScience (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Oktubre 2020.
↑Damiano J (2018). "Neolithic Era Tools: Inventing a New Age" [Mga Kagamitan ng Panahong Neolitiko: Pag-imbento sa Bagong Panahon]. MagellanTV (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Enero 2021.
↑Deng Y, Wang P (2011). Ancient Chinese inventions [Mga sinaunang imbensiyong Tsino] (sa wikang Ingles). Cambridge, UK: Cambridge University Press. pp. 13–14. ISBN978-0-521-18692-6. OCLC671710733.
↑Schifman J (9 Hulyo 2018). "The Entire History of Steel" [Ang Kabuuang Kasaysayan ng Asero]. Popular Mechanics (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Mayo 2021.
↑Wilkinson, Freddie (9 Enero 2020). "Industrial Revolution and Technology" [Rebolusyong Industriyal at Teknolohiya]. National Geographic Society (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Setyembre 2020.
↑Roser, Max; Ritchie, Hannah (11 Mayo 2013). "Technological Progress" [Progreso ng Teknolohiya]. Our World in Data (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Setyembre 2021.
↑"The Changing Global Religious Landscape" [Ang Nagbabagong Tanawin ng Pandaigdigang Relihiyon]. Pew Research Center's Religion & Public Life Project (sa wikang Ingles). 5 Abril 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Pebrero 2022.
↑Andersen H, Hepburn B (2020). "Scientific Method" [Pamamaraang Makaagham]. Sa Zalta EN (pat.). The Stanford Encyclopedia of Philosophy (sa wikang Ingles). Metaphysics Research Lab, Stanford University. Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Pebrero 2021.
↑Henry J (2008). "Renaissance and Revolution" [Renasimiyento at Rebolusyon]. The scientific revolution and the origins of modern science [Ang rebolusyong makaagham at ang pinagmulan ng pamamaraang makaagham] (sa wikang Ingles) (ika-3 (na) edisyon). Houndsmills, Basingstoke, Hampshire: Palgrave Macmillan. ISBN978-1-137-07904-6. OCLC615209781.
↑Hansson SO (2017). Zalta EN (pat.). "Science and Pseudo-Science" [Agham at Seudosiyensiya]. Stanford Encyclopedia of Philosophy (sa wikang Ingles). Metaphysics Research Lab, Stanford University. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Hunyo 2017.
↑Olmstead MC, Kuhlmeier VA (2015). Comparative Cognition [Komparatibong Kognisyon] (sa wikang Ingles). Cambridge University Press. pp. 209–210. ISBN978-1-107-01116-8.
↑"What is Philosophy?" [Ano ang Pilosopiya?]. Department of Philosophy (sa wikang Ingles). Florida State University. Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Pebrero 2021.
↑Fukuyama F (2012). The origins of political order: from prehuman times to the French Revolution [Ang pinagmulan ng ayos politikal: mula sa sinaunang panahon hanggang sa Rebolusyong Pranses] (sa wikang Ingles). Farrar, Straus and Giroux. p. 53. ISBN978-0-374-53322-9. OCLC1082411117.
↑Nadal, Kevin L. (2017). The SAGE Encyclopedia of Psychology and Gender [Ang Ensiklopediya ng SAGE sa Kasarian] (sa wikang Ingles). SAGE Publications. p. 401. ISBN978-1483384276.
↑Chandra, Kanchan (2012). Constructivist theories of ethnic politics [Mga teoryang konstruktibista ng politikang etniko] (sa wikang Ingles). Oxford University Press. pp. 69–70. ISBN978-0-19-989315-7. OCLC829678440.
↑Banton M (2007). "Max Weber on 'ethnic communities': a critique" [Si Max Weber sa 'mga pamayanang etniko': kritik]. Nations and Nationalism (sa wikang Ingles). 13 (1): 19–35. doi:10.1111/j.1469-8129.2007.00271.x.
↑Cronk L, Leech BL (20 Setyembre 2017). "How Did Humans Get So Good at Politics?" [Paano Naging Napakagaling ng mga Tao sa Politika?]. SAPIENS (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Agosto 2020.
↑Jeannie Evers (23 Disyembre 2012). "international organization" [pandaigdigang organisasyon]. National Geographic Society (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Abril 2017.
↑Horan RD, Bulte E, Shogren JF (1 Setyembre 2005). "How trade saved humanity from biological exclusion: an economic theory of Neanderthal extinction" [Paano sinalba ng kalakalan ang sangkatauhan mula sa biolohikal na pagbubukod: teoryang ekonomiko sa pagkawala ng mga Neandertal]. Journal of Economic Behavior & Organization (sa wikang Ingles). 58 (1): 1–29. doi:10.1016/j.jebo.2004.03.009. ISSN0167-2681.
↑Strauss IE (26 Pebrero 2016). "The Myth of the Barter Economy" [Ang Mito ng Ekonomiya ng Palitan]. The Atlantic (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Pebrero 2021.
↑"The History of Money" [Ang Kasaysayan ng Pera]. www.pbs.org (sa wikang Ingles). 26 Oktubre 1996. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Nobyembre 2020.
↑Gómez JM, Verdú M, González-Megías A, Méndez M (Oktubre 2016). "The phylogenetic roots of human lethal violence" [Ang pilohenetikong ugat ng nakakamatay na karahasan ng tao]. Nature (sa wikang Ingles). 538 (7624): 233–237. Bibcode:2016Natur.538..233G. doi:10.1038/nature19758. PMID27680701. S2CID4454927.
↑Ferguson RB (1 Setyembre 2018). "War Is Not Part of Human Nature" [Hindi Likaa sa mga Tao ang Digmaan]. Scientific American (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Enero 2021.
↑Ferguson N (Setyembre–Oktubre 2006). "The Next War of the World" [Ang Susunod na Digmaan ng Mundo]. Foreign Affairs (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Abril 2022.