Nguyễn Huỳnh Kim Duyên
Si Nguyễn Huỳnh Kim Duyên (ipinanganak noong 19 Oktubre 1995) ay isang Biyetnames na modelo at beauty pageant titleholder.[1] Siya ay nagtapos bilang first runner-up sa Miss Universe Vietnam 2019 at kalaunan ay iniluklok bilang Miss Universe Vietnam 2021 para lumahok sa Miss Universe 2021 sa Israel, kung saan kabilang siya sa labing-anim na semi-finalist.[2][3] Noong 22 Pebrero 2022, siya ay hinirang bilang kinatawan ng Biyetnam sa Miss Supranational 2022, kung saan siya nagtapos bilang second runner-up.[4] Buhay at pag-aaralSi Kim Duyên ay ipinanganak at lumaki sa Can Tho sa isang purong agrikultural na pamilya. Siya ay umalis sa unibersidad.[kailangan ng sanggunian] Mga paligsahan ng kagandahanAng unang paligsahan ng kagandahan na sinalihan ni Kim Duyên ay ang Miss Aodai Vietnam (o Miss World Vietnam 2014) kung saan kabilang siya sa labindalawang semi-finalist.[kailangan ng sanggunian] Mga sanggunian
Panlabas na kawing |