National Polytechnic InstituteAng National Polytechnic Institute o Instituto Politécnico Nacional, dinadaglat na IPN, ay isa sa pinakamalaking pampublikong unibersidad sa Mehiko na may 171,581 mag-aaral sa antas sekundarya, di-gradwado at gradwado. Ito ang ikalawang pinakamahusay na unibersidad sa Mehiko sa dominyong teknikal at inhenyeriya ayon sa QS World University Rankings by Subject 2018. [1] Ito ay itinatag noong 1 Enero 1936 sa administrasyon ni Pangulong Lázaro Cárdenas del Río bilang tugon sa pagbibigay ng propesyonal na edukasyon sa mga marhinalisadong klase sa lipunan sa panahong iyon. [2] Ang IPN ay pangunahing nakabase sa Lungsod ng Mehiko at sa mga kalapit na bayan, ngunit may ilang mga instituto at pasilidad na nakakalat sa mahigit 22 estado . Mga sanggunian
19°30′02″N 99°08′23″W / 19.5006°N 99.1397°W
|