Minasang patatas
Ang minasang patatas (Ingles: mashed potato, mashed potatoes, mash),[2] ay pagkain na nabubuo sa pagligis ng mga pinakuluan o pinasingaw na patatas, na karaniwang hinahaluan ng gatas, mantikilya, asin at paminta. Inihahain ito bilang pamutat sa karne o gulay. Sinasangkap ang minasang patatas sa mga ibang pagkain, katulad ng siomai at niyoki. Mga sangkapInirerekomenda ng karamihan ng mga awtor ang paggamit ng "maharinang" patatas na may mataas na rasyo ng amylose sa gawgaw nito upang makamit ang malambot at makremang lapot at itsura.[3] Kabilang sa mga pinakakilalang maharinang uri ng patatas ang King Edward, golden wonder, at red rascal sa Britanya at Russet sa Hilagang Amerika.[4] Gayunpaman, ginagamit ng ilang resipi ang mga "mapagkit" na patatas na nilalaman ng mas maraming amylopectin sa kanilang mga gawgaw para magkaroon ng ibang tekstura o itsura;[3] halimbawa, ginagamit ng isang dinidikdik na uri ng minasang patatas mula sa lutuing Yunnan (sa timog-kanlurang Tsina) ang mga mapagkit na patatas upang makamit ang isang mangunguya at malagkit na tekstura.[5] Karaniwang nadaragdagan ito ng mantikilya, gatas o krema, asin, at paminta. Maaari ring gamitin ang mga ibang pampalasa, kagaya ng mga yerba (lalo na ang perehil at perero), espesya (lalo na ang moskada), bawang, keso, bacon, sour cream, sibuyas o ang dahon nito, karamelisadong sibuyas, at mustasa.[6] May isang baryasyon ang Pransiya na dinaragdagan ng apyak na tinatawag na pommes duchesse (dukesang patatas); pinipa sa pastry tube para makabuo ng mga kulot na laso at roseta, na pinapahiran ng mantikilya at kinakayumanggi nang kaunti. Ang ilang mga resiping Pranses para sa pomme purée (pinuree na patatas) ay gumagamit ng hanggang isang bahagi ng mantikilya sa bawat dalawang bahagi ng patatas.[3][7] Sa mga mababang-kaloriya o walang-gatas na baryasyon, maaaring palitan ang gatas, krema at mantikilya ng sabaw. Sinasangkapan ang aloo bharta, isang baryasyon mula sa subkontinenteng Indiyano, ng hiniwang sibuyas, mustasa (langis, sarsa o buto), sili, dahon ng unsoy at iba pang mga espesya. Isang sikat na baryasyon ng aloo bharta sa Assam ang alu pitika (Assam: আলু পিটিকা),[8][9] na paminsan-minsan ay hindi ginagamit ang mustasa at iba pang mga espesya. Kinakain ang alu pitika na gumagamit ng inihaw at pinausukang patatas, lalo na sa tagginaw.
KasaysayanMatatagpuan ang isang sinaunang resipi nito sa The Art of Cookery (Sining ng Pagluluto) ni Hannah Glasse noong 1747.[1] Sa kanyang resipi, niligis ang mga patatas sa kasirola kasabay ng gatas, asin, at mantikilya.[10] Paggamit sa pagluluto![]() Maaaring ihain ang minasang patatas bilang pamutat. Sa Kapuluang Britanya, kilala bilang bangers and mash ang mga tsorisong inihain na may kasamang minasang patatas. Maaaring isahog ang minsang patatas sa mga ibang ulam, katulad ng shepherd's at cottage pie, Orkney clapshot, pierogi, colcannon, siomai, pinankeyk na patatas, kinroketang patatas at niyoki. Kapag malabnaw ang minasang patatas, tinatawag itong mousseline na patatas.[11] Sa United Kingdom, maaaring ihalo ang malamig na minasang patatas sa mga sariwang itlog at iprito hanggang sa lumutong para makagawa ng keyk na patatas. Ipinapalagay na nagmula ang pagkaing ito sa Cornwall at sikat itong pang-almusal. Kapag sa halip ay pinagsama ito sa karne at mga tirang gulay, tinatawag itong bubble and squeak.[kailangan ng sanggunian] Mga sanggunian
|