Lansangang-bayang Sayre
Ang Lansangang-bayang Sayre (Ingles: Sayre Highway) ay isang pangunahing lansangan sa Mindanao sa katimugang Pilipinas na nagsisimula sa Puerto, Cagayan de Oro at nagtatapos sa Kabacan, Hilagang Cotabato. Dumadaan ito sa mga lalawigan ng Misamis Oriental, Bukidnon, at Hilagang Cotabato.[1] Ang haba nito ay 192.0 kilometro (119.3 milya). Ang hilagang bahagi (bahaging Cagayan de Oro-Maramag) ng lansangan ay binubuo ng Pambansang Ruta Blg. 10 (N10), isang rutang sangay ng Asian Highway 26 sa hilaga. Samantala, itinakda namang bahagi ng Pambansang Ruta Blg. 943 (N943) ang katimugang bahagi (bahaging Maramag-Kabacan) ng lansangan, na may habang 94 kilometro (58 milya) at tinatawag ding Daang Bukidnon–Cotabato (Ingles: Bukidnon–Cotabato Road).[2][3] KasaysayanTinawag ito noon na Route 3 subalit binigyan ito ng bagong pangalan na Sayre Highway, sa karangalan ni Francis Bowes Sayre, Sr., ang U.S. Philippine High Commissioner na nanguna sa pagpapatayo nito.[4] Umaabot ito patimog sa gitnang Mindanao, at nag-uugnay ng mga hilaga at katimugang usli ng Route 1 (Lansangang Digos–Butuan). Ang bahaging ito ng pambansang lansangan ay itinayo noong panahon ng mga Amerikano. ![]() Tingnan dinTalasnggunian
|