Bahagi ito ng kinakatawan ng Rehiyon VI sa Pansamantalang Batasang Pambansa, mula 1978 hanggang 1984. Mula 1984 hanggang 1986, nagpadala ng limang assemblymen at-large ang lalawigan sa Regular Batasang Pambansa.
Sa ilalim ng bagong Konstitusyon, muling hinati ang lalawigan sa limang distritong pambatas noong 1987. Sa parehong taon, nabigyan ng sariling distrito ang Lungsod ng Iloilo.
Sa bisa ng Batas Pambansa Blg. 7160, ginawang regular na lalawigan ang noo'y sub-province ng Guimaras. Hiniwalay ito mula sa sa ikalawang distrito ng Iloilo at nabigyan ng solong distrito na nagsimulang maghalal ng kinatawan noong eleksyon 1995.
Munisipalidad: Arevalo (dinugtong sa Lungsod ng Iloilo 1936), Buenavista, Iloilo (naging lungsod 1936), Jaro (muling tinatag 1907, muling dinugtong sa Lungsod ng Iloilo 1940), Jordan (Nagaba) (muling tinatag 1917), La Paz (muling tinatag 1919, muling dinugtong sa Lungsod ng Iloilo 1936), Pavia (muling tinatag 1921), Leganes (muling tinatag 1939), Nueva Valencia (muling tinatag 1941)