DYFM-FM
Ang DYFM (101.9 FM) ay isang himpilan ng radyo na pag-aari at pinamamahalaan ng TV5 Network Inc. Kasalukuyan ito nagsisilbing riley ito ng True FM na nakabase sa Maynila. Ang mga opisina nito ay matatagpuan sa TV5 Complex, Capitol Road, Camp Marina, Brgy. Kalunasan, Lungsod ng Cebu, at ang transmiter nito ay matatagpuan sa Mt. Busay, Brgy. Babag 1, Lungsod ng Cebu. Ito ang kauna-unahang himpilan sa FM sa lungsod.[1][2] Kasaysayan1975–1998: MRSItinatag ang DYNC noong Pebrero 1, 1975 bilang kauna-unahang himpilan sa FM sa lungsod. Una ito kilala bilang MRS 101.9 (Most Requested Song) na may adult contemporary format. Kilala ito sa pagtugtog ng pinaka hinihiling na kanta kada oras. Nung panahong yan, nasa Vacation Hotel Cebu ang una nitong tahanan bago ito lumipat sa Krizia Bldg. sa kahabaan ng Gorordo Ave. 1998–2008: CharlieNoong Setyembre 1, 1998, binili ng MediaQuest, na pinagmamay-ari ng PLDT, ang NBC mula sa pamilya Yabut family at Manny Villar. Noong Nobyembre, nag-rebrand ang himpilang ito sa Charlie @ Rhythms 101.9 na may Top 40 na format. Noong Agosto 1, 2005, naging 101.9 Charlie na binansagang "Get your Groove On" at nagpalit ito ng format sa Smooth AC. Gayunpaman, noong 2008, nawala ito sa ere dahil sa problemang pangpinansyal.[3] 2009–2011: WAV FMNoong Setyembre 27, 2009, bumalik ang himpilang ito sa ere sa bago nitong call letters na DYFM. Noong Oktubre 1, kinuha ng Audiowav Media (WAV Atmospheric) ang operasyon ng mga himpilan ng NBC sa Kabisayaan at Mindanao, at muling inilunsad ito bilang 101.9 WAV FM . Meron itong Top 40 na format na binansagang "Philippines' Hit Music Station". Nawala ito ulit sa ere noong kalagitnaan ng 2011.[4] 2011–kasalukuyan: Radyo5/True FMNoong Disyembre 1, 2011, kinuha ng TV5 ang operasyon ng himpilang ito na inilunsad bilang Radyo5 101.9 News FM na may balita at talakayan na format. Lumipat ito sa kasalukuyan nitong tahanan sa TV5 Complex sa Kalunasan, habang lumipat ang transmiter nito sa Busay Hills.
Noong 2017, kinuha ng REH Herbal Trading and Manufacturing, na pagmamay-ari ni Ka Rey Herrera at distributor ng KINGS Herbal, ang pang-umagang oras ng himpilang ito. Noong Abril 2024, pinalitan ng Radyo5 ang sub-brand nito sa '''True FM''' at binansagan ito na "Dito Tayo sa Totoo!". Noong Nobyembre 4, 2024, kasama ang himpilang ito sa binuong True Network. Kasalukuyan itong riley ng DWLA 105.9 na nakabase sa Maynila na nagsisilbing punong himpilan ng True FM.[7][8][9] Mga sanggunian
|