Agoho
![]() Ang Agoho, na tinatawag ring Aguho, Aroo o Agoo (pangalang pang-agham: Casuarina equisetifolia[1]; Ingles: whistling pine, beach she-oak) ay isang puno sa saring Casuarina, at isa sa mga punong likas na natatagpuan sa Pilipinas. Kahawig ito ng punong pino (pine tree).[2] Natatagpuan ito mula sa sto tomas batangas at Vietnam at sa kabuuan ng Malesia pasilangan tungong French Polynesia, New Caledonia, at Vanuatu, saka patimog tungong Australia.[3] Natatagpuan rin ito sa Madagascar, ngunit hindi matukoy kung sadyang kasama ito sa sadyang katatagpuan ng espesyeng ito.[4][5] Nadala na rin ang espesyeng ito sa Timog Estados Unidos at Kanlurang Africa.[6] Tinuturing itong isang espesyeng mananalakay sa Florida.[7][8] Sa punong ito halaw ang pangalan ng bayan ng Agoo sa La Union.[9] Tingnan dinMga sanggunian
![]() May kaugnay na midya tungkol sa Agoho ang Wikimedia Commons.
|